"Hon, kailan mo ako pakakasalan?" Nakangiti kong tanong kay clay.
"Pag ready ka na, kapag nakapagpatayo na ako ng sariling bahay." Hinalikan nya ako sa noo at mahigpit na niyakap.
"Malapit naman na yun e haha!"
"Gagradute na tayo, hon!" Lalo nyang hinigpitan ang yakap sakin, yung tipong di na ako makahinga.
"Congrats satin!"
NAPAUPO ako bigla sa higaan dahil sa ingay nang mga tao sa labas ng rest house ko. Inis akong bumangon para buksan ang pinto. Sisigawan ko na sana kung sino man yung mga taong yun nang biglang may yumakap sakin.
"I miss you!" Sigaw nya halos mabingi ako.
Tinignan ko pa ang iba nyang kasama. Nandoon ang ibang kaibigan namin ni clay, bali walo silang lahat.
Itong nakayakap sakin ay kapatid ni clay. Makulit, sobrang kulit, madaldal, maingay, isip bata pero sya yung kasama ko nung panahong iwan ako ng kapatid nya. Sya yung naging sandalan ko nung panahong lugmok ako sa lungkot. Parang naging ibang tao sya nung panahong nasasaktan ako ng sobra.
"I miss you too." Niyakap ko na din sya at hinalikan sa ulo.
"Nakakatampo ka! Hindi mo manlang sinabi na pupunta ka dito!" Nakangusong sabi nya. Natawa naman ako sa itsura nya.
"Gusto kong mapag-isa punyeta ka. Nag dala ka pa talaga ng mga tukmol ano?!"
Tinawanan nya lang ang sinabi ko. Nag kamustahan pa kami ng iba kong kaibigan. Halos tatlong bwan akong di nagpakita sakanila, busy sa work.
"Alam mo babyloves, ang laki ng rest house mo tapos ayaw mo mag sama? Tanga ka ba?" Natampal ko nalang ang noo ko dahil sa sinabi ng kapatid ni clay.
"Clai(slay) West, ayusin mo na ang mga gamit mo." Inirapan nya lang ako at pumasok sa kwarto ko. Natampal ko nalang ulit ang noo ko. Sinabi ko nang dun sya sa kabilang kwarto pero sa kwarto ko parin sya pumasok.
Naspoil kasi ni clay si clai kaya ganyan yan. Tatlo silang magkakapatid. Panganay si Clay, pangalawa si Cedric, Bunso si Clai. Kaya spoil si clai pati kasi si cedric ay bini-baby sya. 23 si clay, 20 si cedric at 18 si clai. 18 na isip-bata parin, kasalanan ng dalawa nyang kuya.
Nag bihis silang lahat para maligo sa dagat. Payapa ang dagat at di masyadong mainit ang sikat ng araw.
Natampal ko nanaman ang noo ko nang makita ko si clai na naka-white t-shirt at naka-panjama habang tumatakbo papunta sa dagat.
"Clai! Bakit ganyan ang suot mo? Jusko po!" Hinabol ko sya ay hinatak ang kamay bago pa sya makalusong sa dagat.
"Bawal ako mag 2 piece, babyloves! Magagalit sila kuya sakin!" Napanga-nga ako sa sinabi nya.
"Clai, mag tshirt ka pero wag kang mag panjama. Pang tulog yan di pag swimming! Tara nga magpalit ka!" Hinatak ko sya papunta sa rest house ko at pinalitan ng maiksing short ang panjama nya. "Yan kahit ganyan nalang, mas okay." Hinalikan ko sya sa noo at hinatak muli sya palabas ng rest house.
"Ate, nalulungkot ka parin ba?" Biglang tanong ni clai sakin, nabigla naman ako sa tanong nya. Tinignan ko sya at seryoso ang muka nya.
Nginitian ko lang sya. "Tara na Clai West, mamaya ka na mag gaganyan."
"Oo na, Xaira Ocmando!" Hinatak nya ang kamay nyang hawak ko at tumakbo papuntang dagat, natawa pa ako dahil bago nya marating ang tubig ay nadapa sya sa buhanginan.
Masaya akong nandito sila pero di natatakpan nang saya na yun yung lungkot na nararamdaman ko.
Nag eenjoy ako pero di nawawaglit si clay sa isip ko.
Naligo na rin ako habang binabantayan ko si clai, muntik pa syang malunod kahit na sa mababaw na parte lang sya.
Nang sumunod na araw ay nag punta kami sa night bar. Syempre si clai ay juice lang ang inorder. Kami puro hard ang ininom. Mas muka pang lasing si clai kesa samin sa sobrang kakulitan.
Dahil lasing ang iba naming kasamahan, naisipan naming ibaon si clai sa buhangin, ulo lang ang nakalabas. Kahit na umiiyak na sya di namin sya hinukay doon dahil nga sobrang kulit at sobrang likot.
Nang sumunod na araw ay trinay namin ang mga activities sa beach. Tawang-tawa ako dahil pinag-banana boat namin mag-isa si clai.
Nang sumunod na araw naman ay umuwi na sila, gusto pang mag paiwan ni clai, umiyak pa pero nakumbisi din naming umuwi na dahil may pasok pa sya.
Ako nalang mag-isa ngayon, Ako nalang ulit mag-isa. Masaya ako nung mga nakaraang araw pero di parin mawaglit si clay sa isip ko.
Kada pipikit ako. Nararamdaman ko sya. Pakiramdam ko nasa malayo lang sya at nakatingin sakin.
Ginugol ko sa pag tulog at pag tambay sa buhanginan ang natitira kong dalawang araw.
Nang sumunod na araw ay balik na ako sa trabaho. Stressful masyado dahil sa mga papeles na pipirmahan ko at sa sunod-sunod na meeting.
Gusto ko sanang mag-inom kaya lang wala akong kasama. Tinawagan ko si clai kaya lang hindi sinasagot kaya umuwi nalang ako. Pahiga na sana ako nang narinig ko bumukas ang pinto ng condo ko kaya bumangon agad ako't lumabas ng kwarto.
Napairap nalang ako nang makita si clai na nakaupo sa sofa ko at kinakain ang cake na galing sa ref. ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya, umupo ako sa tabi nya. "Nakapanjama ka pa."
"Tumawag ka kase kanina, e. Gumagawa ako ng assignment ko kaya di ko nasagot." Inihiga nya ang ulo nya sa balikat ko. "So, saan tayo?" Napangiti ako sa sinabi nya, Kilalang-kilala na talaga ako ni clai. "Pero di ako iinom ah. Stress ka siguro ngayon no?"
"Sobra."
"Ano pang hinihintay mo? Tara na!"
Nag punta kami sa Razz, isang kilalang bar dito samin. Umorder ako ng hard drink si clai naman ay juice lang. Dahil katabi ng razz ang jollibee, ibinili ko si clai ng kanin at ulam doon.
Gusto ko lang magpakalasing ngayon. Bukod kase sa stress ako ngayon, ngayon ang anniversary sana namin ni Clay.
8th anniversary. Sayang, sayang na sayang. Sinayang ko sya, sinayang ko yung pinag samahan naming dalawa.
Kasama ko sya sa masayang parte ng buhay ko, kasama ko din sya sa malungkot at madilim na parte ng buhay ko.
Sinayang ko lahat.
---