Stalking My Vampire Crush 6

958 Words
Chapter 6 Dasha Ini-istalk ko ngayon si Grecomylabs. Pinasundan ko ang sasakyan niya. Impernesh! ang bilis niyang mag drive,  huh? Para siyang magnanakaw na hinahabol ng pulis. Bakit ba siya nagmamadali? Siguro, tinatakasan niya ako para makipag-meet sa babae niya! "Manong, sundan niyo lang po siya, ah. `Wag na `wag po kayong malilingat," paalala ko kay kuyang driver. "Yes ma'am. Ay, ma'am, asawa niyo po? Siguro feeling niyo nambababae siya `noh?" pang-chi-chismis ni kuya. `Yung tataa? driver ba `to o chismoso? "Hindi po, ah, loyal sa akin iyon, kuya. May baby pa nga kami, e. Her name is Jazzy, isa siyang bulldog na kulay pink," pagkukwento ko sa kanya. Natahimik ito at tumingin sa akin na para bang isa akong alien. "Ay, nakahinto na po siya, Ma'am." "Sige dito na lang, kuya." Hininto niya na rin ang taxi sa may gilid ng bar malapit sa basurahan yata ng bar. Lumabas naman ako kaagad para i-stalk si mylabs. Humanda lang talaga siya kapag nahuli ko siyang may kinakatagpo sa mismong lugar na ito. Nagtatago ako ngayon sa may gilid ng basurahan. Kaya pala amoy imburnal dito sa kinatatayuan ko. Magtitiis na lang muna ako. Lovelife ko ang nakasalalay dito. Bawal ang sumuko, bawal ang umuwi. Dapat laban lang nang laban. Pumasok si mylabs sa loob ng bar. Alangan namang pumasok siya sa labas ng bar. `Yon na nga! May sumalubong sa kanya na isang lalaki. Mukhang nagmamadali sila, a. Akala ko kung anong emergency, `yon pala ay mag-ba-bar lang ang kolokoy na `to. Mas bet niya pala ang mga babaeng nasa bar. Talandi rin pala ni mylabs. Suplado kuno... Nek nek niya! "Are you looking for me?" biglang may nagsalita sa likod ko.  "Oo, `wag ka ngang magulo diya---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang ma-realize ko na kaboses ni mylabs ang nagtanong. Hala! Paanong nasa likuran ko na siya? E, kanina pumasok na siya doon sa loob ng bar, a.  "Ahmmm... Hehehe," ang tanging naisagot ko na lang sa kanya habang nananatiling `di nakalingon sa kanya. May magic ba `tong mylabs ko? Nag-te-teleport, e. "What did I told you, Stuup?" pagtatanong niya. "Ahhhmmm... mag- iistay doon sa clinic kasama si Jazzy, Grecomylabs," nakangiting sagot ko. Huhuhu, but deep inside na-ni-nerbiyos na ako rito. "Then, why the heck are you here, Stuup?" "Kumpletuhin mo na mylabs nahiya ka pa sa akin. `Di pa stuup, stuup ka pa r'yan. Tuloy mo na! Stupid `yon dapat hindi ba?" "Changing the topic , huh?" aniya. "Why.are.you.here?" nakatiim-bagang na tanong ni mylabs sa akin. Sauce me! beastmode na siya. Sisibat na ako babush! Akmang tatakbo na ako ngunit nahila niya ang kwelyo ng damit ko. Ay bwesit! Sana pala hindi na lang ako nagsuot ng damit na may kwelyo. Huhuhu. Na-corner na tuloy niya ako. "Where do you think you're going, Stuup?" tanong nito. "Gorabels na ako?" palusot ko pa.  "Why are you such a hard-headed woman?"  "Eh, kasi my labs kapag soft-headed ako isang umpugan lang tegi s***h tegok s***h deadbols na ang magiging future wife mo. Gusto mo ba `yon?" katwiran ko. "Are you fooling me around?" aniya sa medyo naiinis na boses.  "Hindi, ah," sagot ko sa kanya. "So, why are you here? Are you following me?" "Ako sinusundan ka?" Napalingon na talaga ako sa sinabi niyang `yon. "Ang feeler mo, my labs, ah? Saan mo nakuha ang kakapalan mo ng facelalu? Ikaw sinusundan ko? Seryoso ka ba d'yan?" "Do I look like I am f*cking joking?!" "You don't look like f*cking joking mylabs! Bakit may mukha ba `yong joking na sinasabi mo? Ikaw imbento ka, ah! pakita mo sa akin ang picture ni f*cking joking ng naka-wacky para ma-distinguish ko if you look like him,"  proud na sagot ko. Napasapo naman siya sa kanyang mukha. Halatang nagpipigil na mainis sa akin. "Seriously?" `Di makapaniwalang tanong niya. "Paano ka nga pala napunta sa likuran ko?" tanong ko sa kanya. "I saw the taxi driver at your back waiting for you to pay," sagot nito. Ay! Hala! hindi pala ako nakapagbayad dahil no money ako!  "When you stalk, make sure that you have money with you," aniya. "I will keep that in mind, mylabs!" "Ay!" Nagulat ako nang dahil sa biglaang paghila sa akin ni mylabs. May biglang lumipad na kutsilyo kasi malapit sa amin. Phew! Muntik na ako do'n, ah!  "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya. "I'm oka~" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil may lumipad na kutsilyo na naman ulit. Saan ba galing ang mga iyon? "Damn it! The Flairejj are attacking us now." Hinatak niya ko. Bigla ko na lang naramdaman na nakalutang na ko sa ere habang nakakapit sa leeg ni mylabs. Oh my gullynesss! Bakit siya nakakalipad?! Secret Superhero ba ang mylabs ko? At saka bakit may mga kutsilyong nagliliparan? May free giving of knife ba rito sa bar? Kaya ba umalis siya para makiagaw ng kutsilyo rito? Sana naman sinabi niya agad para mabilhan ko na lang siya ng mga kutsilyo. Mapa-bread knife pa `yan o french knife. "Mylabs! Isa kang superhero?" tanong ko na lang. "No." "Isa kang langaw na lumilipad?"  "f**k No!" "Isa kang lamok na lumilipad?"   "Kinda,"  sagot niya. Ano ba ang hayop na katulad  ng lamok? "Ah! Alam ko na! Isa kang kiti-kiti!" Tama ako `di ba? `Yon kasi ang maliit na version ng lamok sa amin na naninipsip ng dugo. "I am a f*****g vampire!"  "Hala?! Vampire as in Bampira?!" shocked na tanong ko habang lumilipad pa rin kami. Ay! Siya lang pala kasi ako binubuhat niya lang. "Hindi...vampire as in wolf," pamimilosopo niya sa akin. “Ang ibig sabihin... I am stalking my vampire crush!?”  naisigaw ko na lang bigla. "Now you know my secret. Yeah, you are STALKING YOUR VAMPIRE CRUSH.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD