Ngunit wala sa sinabi ng lalaki ang atensyon ng dalaga. She felt a sudden feeling of tingling sensation when their skin touched. It was just a brief second. Pero bakit nagdala ng pamilyar na kilabot sa buong pagkatao niya ang pagkakadantay ng kamay nito sa kamay niya. And its not even the first time he touched her.
Awtomatikong napapikit si Angela at hindi inaasahan ang pagdagsa ng isang ala-alala. Isang pangyayari na nangyari mga labing-isang taon na ang nakararaan kung hindi siya nagkakamali.
Imposible! aniya sa sarili at nagmulat ng mata. Napatitig siya sa gwapong mukha ni Second Lt. Monteblanco, partikular sa mga mata nito. Muli ay ang abnormal na t***k ng dibdib niya. It can't be Angela dahil si Dennis ang lalaking yun, aniya sa sarili. Iwinaksi ang kung anumang biglang pumasok sa isip. When it comes to the man in front of her, tila nagiging normal na sa kanya ang mga abnormal na emosyong nararamdaman niya sa dibdib.
"No need for me to keep it." Agaw ng binata sa atensyon niya saka naupo sa tabi, leaving small space between them. " Nais kong maintindihan mo na kung anuman ang ginagawa naming paghihigpit sayo, yun ay para sa sarili mong kaligatasan. Just so you know, you arrived in a bit complicated situation, at ayokong ikompromiso ang kaligtasan mo."
She felt the same way too. After an endless arguments, pakiramdam niya'y suko na siya sa pakikipagtalo rito. Kaya nga hindi na siya nagpilit pang kunin ang cellphone niya mula sa binata. Her mind is pre-occupied by him. Hindi dahil sa mga naging sagutan nila, it was just plainly about him, Second Lt. Hans Joseph Monteblanco. "Pwede mo bang sabihin kung bakit?" she asked curiously. She deserved to know atleast. Nakita niya ang hesitation sa mukha nito, malungkot siyang ngumiti. "It's confidential, I get it..." she continued and inhaled deeply at sinubukang alalahanin ang mga salitang nasa isip bago sila magkita nito. "If its not so late, I want to say sorry too. I---" nag-alangan ang dalaga kung dapat ba niyang sabihin ang nararamdaman. I am not myself when you are next to me, gustong sabihin dito. "I have a lot of things in my mind before I came here." Sa halip ay pag-amin niya at tumingin ng diretso sa harapam.
Naramdam ni Angela ang tinging ipinupukol ng gwapong sundalo sa kanya pero pilit niyang iniignora ang pagka-ilang na nararamdaman. She felt like rubbing her hair at baka nagulo na iyun dahil sa lakas ng hangin.
Si Hans ay nagsalubong ang kilay sa inaakto ng katabi. Pilit iniignora ang mabangong amoy na nanggagaling sa buhok ng dalaga na inililipad ng hangin papunta rito. A floral scent that called to mind a dewy meadow at dawn, a fragrant revelation. "Isa ba sa mga bagay na gumugulo sa isip mo ay ang tungkol sa lugar na nais mong puntahan?" He asked curiously.
"I only want answers and yet pakiramdam ko masyadong komplikado ang mga bagay-bagay." She smiled wryly and let out a deep sigh.
Dumako ang mata ni Hans sa maganda at mahahabang kamay ni Angela na magkasalikop sa hita nito. Pinilit tinanggal sa isip kung ano ang pakiramdam ng mahawakan yun ng matagal. It will be as soft as silk. "Sakaling makuha mo na ang sagot na hinahanap mo, instead of going to Tagong-Bato, will you go back to the city?"
Sandaling natigilan ang dalaga bago nilinga ang katabi. His eyes are on her and they're confused, but there's something else too. Does he hate her that much na hindi siya nito nais makarating pa sa Tagon-Bato? Sobrang nuisance naba siya rito?
Malungkot siyang nagyuko ng ulo at muling ibinalik ang mata sa harapan. Hindi napigilang makaramdam ng pagtatampo pero hindi niya isinatinig. She doesn't have to stress the obvious. The way he talk and deal with her, sakit ng ulo marahil ang tingin nito sa kanya. Too bad coz she felt the other way around towards him.
Binalot ng kalungkuntan ang puso ni Angela. She usually doesn't care sa opinyon ng ibang tao patungkol sa kanya. Keber kung hindi siya gusto ng iba. But why does she felt like crying knowing na hindi gusto ng katabi ang presensya niya.
"I will go with you. I'll accompany you myself kung saan no man gustong pumunta."
Mulingniyang nilinga ang katabit. He was looking at her but his face is emotionless. Walang ideya si Angela sa kung anong tinatakbo ng isip ng naturang sundalo.
"After that, you have to decide if you still want to push-through on your plan. Going to Tagong-Bato is not easy." He warned her. Hindi na idinagdag ni Hans na hindi ito makakapanatili ng matagal sa lugar upang bantayan ito. He needed to be at the base bilang OIC.
Hindi magawang sumagot ni Angela dahil sa sobrang sama ng loob dahil sa inaakalang pagka-disgusto ng kaharap dito. Marahil ay iniisip ng lalaki na hindi siya tatagal sa hiking. Nag-aalala ito marahil na baka puro complains lang ang manggaling sa kanya kapag hinatid siya nito. She was deeply hurt. Hindi maintindihan ni Angela kung bakit siya nasasaktan sa ganuong kaisipan.
Si Hans ay biglang nanibago sa pananahimik ng dalagang Martinez. Nakaladlad ang mahabang buhok nito sa direksyon niya kaya hindi makita ng binata ang reaksyon ng mukha nito nang mag-iwas ng mukha ang dalaga. At tila may nag-uudyok ditong hawiin iyun upang mamasdan ang magandang mukha ng katabi. "Pwede nating puntahan ang lugar na gusto mong sadyain mamaya?" Untag ng binata hoping na makakuha ng sagot mula kay Angela.
Isang marahang tango ang pinakawalan niya, still being quiet and busy with her own thoughts.
Napabuntong-hininga si Hans sa pananahimik ng katabi. Ilang sandali pa ay tumayo na. "Will you manage to go back to your room? Gusto mo bang alalayan kita hanggang sa kwarto mo?"
Hindi nag-abalang tumingala si Angela at umiling. "I can handle."
Si Hans ay halos madikit ang kilay sa pagsasalubong dahil sa inaakto ng dalaga. "Are you sure?"
"I want to stay here for a few minutes... Alone!" Mariing sabi ng dalaga na hindi tumitingin rito.
Walang nagawa ang binata kundi sundin ang nais ni Angela. Hindi alam kung bakit biglang nagtaray ang babae when he is trying his best to become easy on her tulad ng suhestyon ni Xander. Napapailing nalang na tumalikod at nagtungo sa loob ng kasukalan. Women! Pakikitunguhan mo ng maayos pero bibigyan ka ng attitude. Isang dahilan kaya hindi siya nakikipag-relasyon. She cannot handle a woman in his life. Let alone someone like Angela Martinez. Masisiraan siya ng bait kapag pinatulan niya ito. Ang pagkakaroon niya ng cush noon dito ay mananatiligg hanggang doon nalang.
Kinahapunan ay muling nag-aproach si Hans sa dalagang Martinez.
Nagulat si Angela at matagal na napagitig sa mukha ng naturang sundalo. Akala niya'y spur of the moment lang ang sinabi nito kanina. Now she wanted to praise her friend Gail sa pagbilin dito ng tungkol sa kanya. Sanay ang dalaga sa atensyon pero OIC ng lugar ang mismong sasama sa kanya.
"Kumusta ang paa mo?" Tanong ni Hans nang mapansin ang bahagyang pag-ika ng dalaga.
"Medyo masakit kapag inilalakad but I can handle."
"Hindi ko alam kung ano ang pakay mo sa Quezon pero hindi pwedeng mawala ka sa pangin ko Angela." May diin sa huling sinabi ng lalaki.
Hindi man gustong bigyan ng malisya ang tinuran ng naturang sundalo ay bahagya niyang ikinatuwa ang atensyong ibinibigay nito. Agad silang umalis nang oras ding iyun. Muntik pa siyang ng mapa-ismid nang pagbuksan siya ng pinto ng sasakyan.
"Thank you..." mahinang usal niya at tuluyang lumulan.
Habang nasa daan ay palihim na sinusulyapan ni Angela ang lalaki. Seryoso ang gwapong mukha nito habang nakatutok ang mata sa harapan. Ang dalawang kamay ay nakahawak ng mahigpit sa manibela, his long legs na naka-stretch sa baba, lahat yun ay hindi maiwasang hindi mapansin ng dalaga. Bakit ba ang cool nitong tignan sa itsura nito kahit simpleng nagda-drive lang. Cold and domineering and yet so classically handsome.
She suddenly felt suffocated inside the car sa kabila ng malakas ang aircondition. Ibinaba ng bahagya ang bintana ng sasakyan sa gawi niya at hinayaang salubungin ng malakas na hangin ang mukha. Madilim parin ang kalangitan at ang nakalipas na pag-ulan ay pinatingkad ang dahon ng mga puno sa paligid at gayun din ang mga damo. She can see wildflowers everywhere. What an amazing scenery. At naghahatid iyun ng kapayapaan kay Angela.
Si Hans na kanina pa lihim na pinagmamasdan ang dalaga ay hindi namalayang umarko ang bibig at sumilay ang isang ngiti sa labi.May mga candid reactions ang dalaga na kaakit-akit sa mata.
Ilang minuto din nag-byahe ang dalawa. Palipat-lipat ang mata ni Angela mula sa mga nadadaan at sa katabi. She wanted to open a conversation dahil sa awkwardness na nakapagitan sa kanila pero hindi niya alam kung saan mag-uumpisa. Maya-maya'y muling tinanong ng binata ang address na nais niyang puntahan. Ilang sandali pa ay humimpil sa harap ng isang bungalow sa gitna ng malawak na lupaing napapaligiran ng matatayog na puno ng niyog ang kinasasakyan. Ayun kay Second Lt Monteblanco ay dulong bahagi ng Tiaong, boundary ng Laguna at Quezon ang lugar na iyun.
Lalabas na siya ng sasakyan nang pigilan siya nito. "Hindi ko alam kung sino ang sadya mo, pero mananatili ako sa labas ng sasakyan." Huminto ito sandali at biglang nanibago si Angela sa nakitang pagkalito sa mukha ng naturang sundalo. "Call me immediately just incase."
Alam niyang hindi iyun ang gustong sabihin nito. Marahang tumango si Angela at umusal ng mahinang pasasalamat. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan. Its now or never. Nagsimulang bumayo ng malakas ang dibdib niya. Kung dadatnan niya ang sadya ay malalaman niya ang kasagutan sa matagal ng gumugulo sa isip niya.
Nagsimulang humakbang ang mga paa niya. Narinig ni Angela ang malakas na pagtawa sa gilid ng bahay at hinding-hindi niya ipagkakamali ang boses na yun. She felt excited and scared at the same time.
Nang bigla siyang napahinto sa eksenang bumungad sa kanya. Halo-halong emosyon ang biglang nararamdaman ni Angela. Hindi niya alam kung maa-amaze ba siya, magagalit o makakaramdam ng warmth nang datnan niyang naglalaro si Dennis at ang batang babae na sa tingin niya'y limang taong gulang. "Dennis..." she called out at nilapitan ang dalawa.
Bakas sa mukha ang labis na pagka-gulat sa mukha ng lalaki nang tuluyan siyang makalapit sa mga ito. Bigla itong napahinto sa pakikipaglaro sa bata. Curiousity was in the eyes of the child. Doon lumabas ang isang tila dalagita mula sa loob ng bahay. At maging ito'y nanlaki ang mata at namutla nang makita siya.
Sigurado si Angela na noon lang niya nakita ang babae kaya nakapagtataka ang reaksyon nito sa pagkakakita sa kanya.
Pinaglipat-lipat niya ang mata sa tatlo,as she didn't expect the scene. Obviously, they are family. Naikuyom niya ang kamao upang pigilan ang pananghiling unti-unting bumabalot sa kanya.
Matagal bago may nagsalita. Si Dennis nang makabawi ay ipinakilala ang mag-ina nito.
Hindi siya kumibo, bahagya nalang dumaan sa tenga ang mga pangalang binanggit. She just looked at his face for a long time. Bigla'y parang naging estranghero ito sa paningin niya. Ilang sandali pa'y silang dalawa nalang binata ang naiwan dahil nag-excuse ang mag-ina nito at pumasok sa loob ng bahay.
"Hindi ka dapat nagpunta rito Angela." Agad na bungad ni Dennis.
Naningkit ang mga mata niya. "Hindi yan ang inaasahan kong unang maririnig mula sayo Dennis." May bahid ng pagtatampo ang tinig. Why? Why is he married?
Namula ang kaharap at nagiwas ng mata. "Alam kong malaki ang nagawa kong pagkakasala sayo and God knows how sorry I am." Guilt filled his handsome face.
Well, not striking or outrageously handsome. Pero sapat para pag-ukulan niya ng atensyon sa nakalipas na taon. Lalo at sa isip ay natino na ito ang lalaking matagal niyang inasam na makita. Ang lalaking nagligtas sa kanya noon.
Napatiim-bagang si Angela dahil sa labis na disappointment. She closed her eyes and tried to contain her anger dahil sa pagsisinungaling ng lalaki. she believed him when he said he's not married. Ilang sandali pay muling nagmulat. "Why Dennis? Tell me, for three years alin ang totoo doon?"
Matagal siyang tinitigan bago muling nagsalita. "I am sorry Angela..."he paused "It was all lie."
Naramdaman niya hangang utak ang pagpintig ng sariling puso.
"Lahat ay kasinungalinga maliban sa mga ipinakita ko sayo. Hindi ako ang lalaking iyun Angela."
"A-Anong ibig mong sabihin." Naningkit ang mga mata niya.
"Ang sa pagkaka-alam mong ako ang lalaking nagligtas sayo noon. Hindi totoong ako yun."
Natakpan niya ang sariling labi sa sobrang pagka-bigla."W-What?" Napakurap siya habang nakatitig rito. Bahagyang nakaramdam ng pag-ikot ng paligid dahil sa kabiglaan. Her breath became heavy as she continued to stare at him in shocked.
Lumapit ang binata at sinubukan siyang alalayan sa naroong silya pero tinabig niya ang kamay.
"Atleast sit down."Payo nito at itinuro ang kalapit na stool.
Na siyang ginawa niya or else ay baka bumigay ang mga tuhod niya dahil sa isang ideyang pumasok sa isip na siyang isinatinig. "Binayaran ka ba ng isa sa mga kapatid ko upang magpanggap?" Oh please no! tanggi ng isip. May hinala siyang may kinalaman ang sinuman sa mga kapatid sa biglang paglayo ni Dennis pero hindi niya kayang tanggapin kung sakaling totoo ang ideyang biglang pumasok sa isip.
Bumadha ang pagka-gulat sa mukha nito. "Anong ibig mong sabihin Angela?"
"Binayaran ka nila para magpanggap..."
"No!" mariing tangi nito. "Sino ang nagsabi sayo niyan?" Nanatiling walang sagot si Angela kaya nagpatuloy si Dennis. "Kung anuman ang nasa isipan mo'y burahin mo Angela dahil nililinlang ka ng kung sinumang nagtanim sa isip mo niyan."
Mariing napapikit ang dalaga. That's how he usually sounds kapag pinapagalitan siya nito. Come to think of it, he sounded exactly like someone.
"Walang kinalaman ang mga kapatid mo sa ginawa ko. You should know that knowing how overprotected your family are towards you. A-Ang totoo'y nalaman nila ang pagpapanggap ko." Bahagyang bumaba ang tinig nito sa huling tinuran.
Marahas na nagbukas ng mata si Angela. And paano malalaman ng mga kapatid ang tungkol sa bagay na iyun? "Imposible ang sinasabi mo Dennis, or is it Dennis your your real name?" Sarkastikong tanong niya.
Hindi pinansin ng lalaki ang pasaring ng dalaga pero pinabulaanan ang teorya nito "I don't know exactly how. Siguro'y dahil sa perang inilabas mo sa bangko, and they started digging. Alam mo ang mga kapatid mo pagdating sayo. A-At ang tungkol sa perang nakuha ko sayo. Wala yun sa akin ngayon."
Binalewala niya ang pagkakabanggit sa pera. She doesn't care about the money. Barya lang yun sa perang nakalagay sa pangalan niya. Mas ikinasasama ng loob ang tungkol sa nalaman ngayon lang. And she thought ang biglang paglaho ng binata sa buhay niya ang pinakamasakit na ginawa nito. "Bakit ka nagpanggap kung ganon!"
Natigilan ito at umilap ang mga mata. "I'm sorry pero hindi ko maaring sabihin. Para iyun sa kaligtasan mo."
"For three years pinaniwala mo ako Dennis, I've been a good friend and colleague to you." Hindi na niya idinagdag ang naging feelings niya rito dahil sa pagkakaalam niya na ito nga ang estrangherong nagligtas sa kanya noon. "Paano mo nagawang ngumiti at umaktong normal sa loob ng mga taong iyun?" She almost choked on anger nasa tinig ang panunumbat.
"Ilang beses kong ginusto Angela. Pero kaligtasan ng mag-ina ko ang nakasalalay. Kung konsolasyon mang maituturing, ipinagpasalamat kong napaglabanan ko ang kung anumang damdaming maaring mabuhay para sa iyo. Despite the controversies, alam kong mabuti kang tao. How you treated everybody sa kabila ng katayuan nila sa buhay na tila hindi ka lumaki sa luho. Na sa kabila ng mayayamang pilit sinisira ang imahe mo, maraming maliliit na tao ang naniniwala sa busilak mong puso. Nakita ko yun sa loob ng tatlong taon Angela at kung wala akong asawa't-anak ay baka nahulog ang loob ko sayo."
Nag-iwas siya ng mukha. She couldn't even look at his face. Strange, how he turned into a stranger for an instant. "Sino ang nasa likod nito?"kontrolado niya ang tinig pero bakas sa mukha ang galit. Oo galit siya. Pero sigurado siyang hindi sa binata ang sentro niyun. Dahil totoo ang sinabi nito. He was never not even once took advantage of her feelings sa kabila ng hayagan niyang pagpapakita ng nararamdaman rito. And she felt ashamed of her actions. Ngayon niya napagtatato ang pagiging desperada dahil sa isang ala-ala ng kahapon.
"I owed you an explanation tungkol sa pagpapanggap ko pero beyond that ay hindi ko na pwedeng sabihin sayo. Yan lang ang maari kong gawin para kahi papano'y makabawi sayo."
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"Lagi mong tatandaan na hindi ka odinaryong tao Angela, hindi maiiwasang may mga taong magalit sa pamilya mo. At gusto kong malaman mo na ikaw ang weakest point ng mga Martinez." He looked like he wanted to say more pero naroon ang pag-aalangan." And I am so sorry again, hindi ko gustong iwan ka sa ere. Alam kong galit ka sa akin pero gusto kong malaman mong bukod sa pagpapangap at kasinunagilang ginawa ko, lahat ng ipinakita at ginawa ko para sayo, lahat yun ay totoo."
He sounded sincere pero ni hindi na magawa pang maniwala ni Angela. After what he did! Besides masyadong consumed ang isip niya sa sinabi ng binata. Hindi ito ang lalaking nagligtas sa kanya noon. At sa tinuran nito tungkol sa pamilya niya.
Hindi na kataka-taka kung dahil sa family business nila at ng mga kapatid ay marami na ang magalit sa pamilya nila. Atleast napatunayan niyang walang kinalaman ang mga kapatid o sinuman sa pamilya niya sa biglaang paglayo ng binata. She was so wrong all along.
Well she got her answer. Pero bakit tila lalong bumigat and dibdib niya. Bago lisanin ang lugar ay muli siyang lumingon. Si Dennis na nanatiling nakatayo sa harap ng bahay at ang mag-ina na bahagyang nakasilip sa binata.
She came to claimed what she thought was hers but it turned out na siya pala ang nag-aangkin ng hindi kanya.
May paghihinayang sa puso ni Angela habang nililisan ang lugar. Panghihinayang sa mga taong nagdaan dahil inilaan niya ang atensyo sa maling tao.