Angela woke up in an unfamiliar room. Saka lang tila natauhan nang rumagasa ang mga ala-ala kahapon. Sa kabila kasi ng nasa ibang lugar ay naging mahimbing ang naging tulog sa lakas ng ulan kagabi.
Umunat siya at sandaling tumitig sa kisame.
Right, she was already in Quezon. At ang kinaroroona'y isa sa ilang silid sa ikalwang palapag ng building kung saan tumutuloy ang ilang guest o mataas na opisyal na marahil ay na-stranted sa lugar. Sa pagkakaalam niya'y nasa Camp Nakar something siya kung saan ay imi-meet niya ang isang sundalong nagngangalang Lieutenant Joseph something. Hindi siya masyadong particular sa impormasyon dahil ang mahalaga lang naman sa kanya'y ang makarating sa Quezon at magawa ang pakay. The rest ay susunod nalang siya sa agos.
She can still hear the ticking sound of raindrops outside, patunay na nag-uulan parin. Tumayo siya at sumilip sa bintana. Napapikit siya nang salubungin siya ng malamig ng hangin. Ambon nalang pero madilim parin ang paligid.
What's gotten to the weather parang kahapon lang pag-alis nila ng city ay tirik pa ang araw.
Angela sighed. Past eight na sa relong pambisig. Kagyat siyang kumilos at pagkaligo'y lumabas siya ng inuokupang silid.
She have one agenda for today and that is to look for the specific soldier. Nais niyang ipaalan rito na bago siya ihatid sa Tagong-bato ay may pupuntahan muna siya.
Kagabi'y natanggap niya ang hinihintay na mensahe mula kay Joaquin. Ang sabi nito'y maipapadala nito ang location anytime of the day. Kaya kung pwede niyang daanan ang lugar bago tumuloy sa destinasyon ay sasamantalahin na niya. She won’t take long, nais niya lang kumpirmahin kay Dennis ang huling mensahe nito bago siya iwan sa ere ng binata.
Bahagyang nakaramdam ng kudlit sa dibdib ang dalaga dahil sa pagpasok ng lalaki sa isip ngunit dagli rin niya iyun pinalis.
Hindi makakatulong sa damdamin kung patuloy siyang magiging sentimental. People change ika-nga. Hindi batayan ng isang pangyayari sa buhay ang pangkalahatang pagkatao ng isang indibidwal.
Inalis ng dalaga ang kaisipang maaring magpa-back out sa kanya. Ang gagawin ay para sa ikatatahimik ng kalooban. She needs to face the truth by the way. The sooner the better.
Pagkalabas sa inuokupang silid ay nag-umpisa siyang magtanong-tanong sa mga nakasalubong na mga sundalo, and Angela is very much aware of the looks they are giving her. At sa labis na pangigilalas niya, sa buong paglalakad sa pasilyo ay wala pa siyang nakikitang hindi nakasuot ng military uniform. And in addition to her horror, sa benteng sundalong nakasalubong ay mga dalawa lang yata ang nakita niyang babae.She’s definitely in an army’s lair.
Nagpatuloy siya sa paglalakad at hindi sinasadyang mapadaan siya sa main entrance. Saktong umihip ang malakas na hangin. She bravely stepped outside not minding about the cold drop of the rain. A fresh morning air can relax her wrecking nerve. She'd been longing for it these past few weeks.
And the place is somehow so relaxing, well minus the soldier na nagkalat sa base. Some doing morning exercise sa kabila ng masamang panahon. Ang ila'y tila nakatambay sa kanya-kanyang pwesto.
Napagtanto niyang ang nilabasang building ang siyang pinakamalaki sa lugar na nakasentro sa gitna. Ang ilan marahil ay nagsisilbing mga barracks located in some corners of the area. But nevertheless the entire place is surrounded with trees. Niyog, manga at kung ano-ano pang mga puno. Ang lupa'y nalalatagan ng mga ligaw na damo na pinatingkad ng nagdaang ulan na sa unang tingin ay mukang Bermuda grass. An alien planet. So green.
She inhaled the cool breeze and gently embrace herself. Maya-maya nalang siguro niya hahanapin ang naturang lalaki. For all she knows malamang busy ito, dapat nga ay ito ang pupunta sa kanya.
Why does she feel so unimportant in this place. Taliwas sa nakasanayan.
Una, ay ang sasakyang pinangsundo sa kanya. Ang cold welcome kahapon nang sabihin ni Lt. Amigable na may importanteng inaasikaso ang taong hinahanap niya. At ngayong paggising niya na tila walang may alam na narito siya. She's suppose to be surrounded by few soldiers by now. Knowing her four too overprotected brothers. Nitong nakaraang lingo nga lang ay halos itali siya sa bewang ni Anthony huwag lang mawala sa paningin nito.
Even her parents almost cancelled their long-time vacation plans dahil nga nag-aalala din sa mga pinaggagagawa niya. Ngunit hindi pumayag ang mga kapatid. Her parents deserved to have breaks after all the years of building the Martinez hotels and restaurants.
Angela closed her eyes. Ahhh this is life!!! Bulong niya sa sarili. Walang toxic, walang pollution.
Eto ba ang ipinagpalit ni Gail kaya mas pinili niya ang field she suddenly asked herself.
Her dear bestfriend is the sole heiress to Sebastiono Groups , isang multi-corporate company sa bansa, pero ipinagpalit nito ang kaginhawaang matatamasa at sa halip ay nagtrabaho sa pipitsuging travel magazine. And to her amazement, two years ago ay binitiwan nito ang pagiging editor at nag-field nga.
Kung saan-saang liblib na lugar ito ipinapadala na noong una'y labis iki-nawindang ng lahat, Habang siya ay nagpapakasaya sa social life tulad ng mga normal na babaeng ka-level ng status niya sa lipunan, si Gail naman ay unti-unting bumubuo ng sarili nitong kapalaran. Which recently ay siyang kina-iingitan niya. Atleast malaya ito at masasabi mong independent. At the age of tweent-four, tanggalin man ang pangalang nakaakibat rito'y maituturing na itong self-fulfilled. Unlike sa kanya na hindi pa alam kung anong nais gawin sa buhay gayong magkasing-edad lang sila nito.
When Angela opened her eyes, she meet those familiar bewildering set of deep brown eyes. Hindi niya mainindihan kung saan nanggaling ang tila déjà vu na naramdam sa sandaling pagtatama nila ng mata ng estranghero.
Halatang nagulat rin ang lalaking bumaba mula sa pick-up ilang dipa mula sa kanya at may hawak na isang medyo my kaliitang kahon. Hindi marahil nito inaasahang magkikita pa sila nito.
For a while ay nanatiling nakatitig siya sa gwapong mukha nito.
Sandaling nagsalubong ang kilay nito sa pagtataka ni Angela, pagkatapos ay nagsimulang humakbang at nilampasan siya na labis niyang ikinamangha.
"Sandli!!!!" she turned to him.
Huminto ang binata ngunit nanatiling nakatalikod sa kanya.
Ayaw man aminin ng dalaga ay nakaramdam siya ng pagkadismaya sa pag-snob nito.
"Anong maipaglilingkod ko sayo?" kasing-lamig ng yelo ang tono nito nang sa wakas ay humarap sa kanya.
He must not really recognize her. Imposible sigaw ng isip. Sino ang hindi makakakilala sa kanya gayong nagkalat ang mukha sa mga billboards at magazines. But with that blank face he is showing her, wala marahil itong pwedeng aksayahing oras para tapunan lang ng tingin ang mga ads niya. O dahil ang alam nitoy ang mga scandal na kinasangkutan niya sa ilang sikat na artista.
Hindi niya alam kung saan nanggaling ang disappoinment na naramdaman.
For a moment ay hindi nagawang tumugon ng dalaga. Ilang beses siyang napalunok bago makaapuhap ng maisasagot. Kung bakit kasi tila may hipnotismo ang mga mata nitong nakatunghay sa kanya.
"A-Are you?.. Are you a staff here?" she stammered. Seriously, Angela. Lihim niyang nairapan ang sarili. Sandaling nagbago ang reaksyon ng mukha ng kaharap and she swear nakita niyang bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito. "I mean, you know Lt. Amigbale right, I am looking for him"
Muling bumalik ang blangkong reaksyon sa mukha nito at sa maotoridad na tono ay sinabing. "Ano ang kailangan mo sa kanya?"
Gustong taasan ng kilay ni Angela. Hindi nagustuhan ang commanding tone na ginamit ng kaharap, but she manage to control her emotion. "May gusto akong sabihin sa kanya. Alam mo ba kung saan ko siya pwedeng makita?" Bakit ba? Gusto niyang idugtong pa but she shut her mouth. Kung sa ibang pagkakatao'y binara na niya ito. Behave paalala niya sa sarili sa tonong tila naririnig niya ang kuyang si Aaron bago siya magtungo sa lugar.
Napabuntong-hininga ito bago sumagot. "Kung may nais kang sabihin sa kanya'y maari mong sabihin sa akin."
She hesitated. Hindi niya maintindihan pero may kakaibang pakiramdam na nabubuhay sa loob niya. Inis marahil? He doesn't have the right to talk to her this way.
"I can pass the message to him...."he continued
"No!!!!" she firmly said na halatang ikinagulat nito. "I want to talk to him, personally." Ipinagdiinan ang huling salita. Wala siyang pakialam kung anong dating ng pakikipag-usap niya rito. For all she knows malamang ay pipitsuging staff lang din ito doon. Hindi porket sibilyan siya'y maaari na siya nitong gamitan ng ganoong tono. Hindi siya snob pero sa pagkakataong ito'y hindi siya makapapayag na tratuhin siya ng ganoon Kahit sabihing good-looking pa ito.
"Suit yourself then."matabang nitong sabi at muli siyang tinalikuran.
Napanganga siya sa tugon nito at sandaling hindi nakahuma. Feeling niya'y umakyat ang lahat ng dugo sa ulo niya."Wait up!" habol niya at nilakihan ang mga hakbang upang abutan ito. Why, he had such long and lean legs at agad itong nakalayo sa kanya sa ilang hakbang lang. " Ganito niyo ba tratuhin ang VIP niyo rito?" may bahagyang hingal sa tinig dahil sa ginawang pagsunod rito. Huminto ito. When he turned to her, Angela saw his mocking reaksyon. Napigil niya ang hininga ng dahan-dahan itong maglakad palapit sa kanya. She found herself stepping back.
The stranger stopped a few inches from her. "At sinong nagsabing VIP ka dito? " he said in a matter-of-fact voice and laughed sarcastically. "Nagkakamali ka Miss. Im sorry to disappoint you but we treats everyone with equal respect here." Bahagyang naningkit ang mga mata nitong nakatunghay sa kanya.
Angela held her breath at napilitang magbaba ng mukha and bit her lower lip. Hindi niya kayang salubungin ang nanunuring mga titig nito. First time sa tanang buhay ng dalaga na ni hindi pa yata nagawang yumuko sa harap ng sinuman maliban sa magulang at mga kapatid na lalaki.
Nagpatuloy ito. "Tatlong klase lang ng tao ang mayroon kami rito. Una kaming mga sundalo, pangalawa'y mga rebelde at pangatlo ay mga tulad mong sibilyan. I don't remember that there is a fourth one. A VIP?"
Naikuyon ni Angela ang kamao. She wanted to hate herself kung bakit niya nasambit ang salitang yun. Nag-angat siya ng mukha. "Right. But you shouldn't treat anyone like this. C-can you be a little bit nicer." bahagyang sumintunado ang manipis na tinig at muling tumingin sa mata nito. At aminin ni Angela na hindi birong courage ang kinailangan upang salubungin ang pares ng mata ng estranghero. Bahagya pang nanginig ang tuhod niya na pilit niyang itinago.
His eyes surveyed her face. As in literal. And to dare him more ay lalo pa niyang itinaas ang mukha. Magsawa ito dahil kahit anong titig ang gawin ay wala itong makikitang kapintasan roon.
Sa bandang huli'y walang salitang umatras ito at tinalikuran siya.
Marahas siyang huminga. Pinasadahan ng daliri ang mahabang buhok at muling sumunod dito.
"Sandali." muling tawag ni Angela pero hindi huminto ang lalaki. Ilang hakbang nalang ang layo nila mula sa entrada ng gusali nang abutan niya ito. She held his arms to stop him.
Humarap ito sa kanya with a bored expression.
Napalunok siya nang marealize ang ginawa. Sa laki nitong lalaki kahit halos umabot siya sa leeg nito'y kayang-kaya siyang bigwasan at paniguradong sadsad siya.
Kung sa iba marahil ay maari but there was something in his eyes that made her think that he can't do such things. "H-indi mo ba ko gusto?"
Bumakas ang bahagyang pagkalito sa gwapong mukha ng binata.
Saka lang niya na-realize kung anong dating ng binitawang salita. She felt her cheek burned. "I-i mean, hindi mo ba ako gusto as a person." Bawi niya sabay iwas ng mata at muling nakagat ang pang-ibabang labi.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" ang mga mata ng lalaki ay nakatuon sa kamay ni Angela na mahigpit na nakahawak sa braso nito.
Parang napasong bumitaw siya. But Angela managed to regain her composure. Itinaas niya ang baba upang pagtakpan ang pagka-pahiya. She opened her mouth to say something ngunit biglang nagbago ang isip and decided to shut it again.
Bakit biglang nag-blanko ang isip niya just by meeting those sexy bewildering brown eyes.
Nasaksihan niya ang unti-unting pagtagis ng bagang ng lalaki kasabay ng paniningkit ng mata at sa matigas na tinig ay nagsalita. "Hindi pa ba sapat ang mga papuring tinatanggap mo mula sa siyudad at kailangan mo pa ng compliment na manggagaling sa isang tulad ko?"His eyes did that smoldering thing again. Plus a certain kind of fierceness na bibihirang masilayan ni Angela
Maya-maya’y binitiwan ng isang kamay ang hawak na kahon, and gently brush her cheeks.
Parang may bilyong boltahe ng kuryente ang umakyat mula sa paa paakyat sa ulo niya. Angela shivers at kahit pilit itago'y alam niyang pinamulahan siya ng labis.
Dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa labi nito. Totoong ngiti na umarko sa labi nito na dahilan ng biglaang pagbilis ng pintig ng puso niya. "Then you are pretty. No stunning. Satisfied! Sapat na ba ang mga papuring iyun para ma boost ang ego mo". His voice was too harsh that Angela felt a little tremor of fear.
Napasinghap siya. Shocked by his rudeness.
At bago pa siya makasagot ay tinalikuran siya nito at nagtuloy sa loob.
Angela was speechless as she stared at his broad back. Nanlaki ang mata sa insulting natanggap mula sa isang estranghero. Hindi makapaniwalang may lalaking nakapagsalita sa kanya ng ganoon.
At ang isa pang ikinagulat niya ay ang epekto ng lalaki sa kanya. Sanay siyang nagbabalik ng insulto lalo pag galit. Pero hindi sa harap nito. He had the charismatic appeal that she herself wouldn't be able to think of the right words to throws back at him.
Nais niyang maintimidate ito kaya tinitigan niya ito ng diretso sa mata pero kabaligtaran ang naging resulta. Parang siya ang umurong ang dila nang makasalubong ang mga mata nito.
And she hated herself dahil sa sinabi. She's a little confused. English ang halos language na ginagamit niya at dahil tila makaluma ang lalaki'y tila nakalimutan na niya ang literal meanings ng sariling wika. At sa reaksyong ibinabadya ng mukha ng estranghero kanina'y tila iba ang ipinangahulugan nito sa nais niyang iparating.
Hindi mo ba ako gusto? Oh, Angela how can you ask him such stupid question. She got frustrated even more.
Kung ang simpleng pagdantay ng palad sa pisngi niya'y nagdala ng bilyon-bilyong boltahe sa kanya, ano pa kaya kung makulong siya sa mga bising nito. Parang may mainit na bagay na gumuhit sa kaibuturan dahil sa naisip.
Nayakap ni Angela ang sarili at alam niyang hindi dahil sa lamig ng pang-umagang hangin ang dahilan nun.
"Miss Martinez?"
Humarap si Angela at nalingunan ang isang lalaki na marahil ay mas matanda lang ng kaunti sa estrangherong nakasagutan. Hindi ganun kagwapuhan kumpara sa una pero maganda ang tindig, in his camouflage uniform.
"Captain Panlilio." Pagpapakilala nito at inilahad ang kamay.
Alanganing inabot niya iyun at nakita niya ang kislap sa mata nito sabay ng bahagyang pagpisil sa palad niya. Wala sa sariling nabawi niya ang kamay at itinago ang biglang pagtaas ng balahibo dahil sa ginawa nito.
"Pasensya kana kay Monteblanco, hindi lang marahil maganda ang gising niya. Masyado kasi siyang maraming iniisip. Kung bakit kasi pinipilit gawin ang isang tungkuling hindi pa naman niya kaya."
Nahimigan niya ang bahagyang panibugho sa tinig nito. Pero hindi iyun ang naka-kuha sa atensyon niya. "Ano ulit yung pangalang sinabi ninyo?"
"Monteblanco? Siya marahil ang pakay mo? Siya ang in-charge sa mga dayong tulad mo bilang officer-in-charge ng lugar. Pero dahil busy siya nitong nakaraang araw ay baka hindi ka niya masamahan sa pakay mo. Pwede mo akong i-request bilang escort mo papuntang tagong-bato." Nakangising sabi nito at pasimpleng pinasadahan ang kabuuan niya.
Tipid na ngiti lang ang isinukli niya pero sa loob ng dalaga'y nakaramdam siya ng pagka-asiwa.
Mabuti nalang at may tumawag sa atensyon nito at napilitang magpaalam sa kanya.