"Ang kukupad niyo kasi kaya sinunggaban ko na. Aba'y kwarta na magiging bato pa ba." Puno ng pagmamalaki ang tinig ng mula sa kabila ng matataas na talahiban. Nanginginig ang kamay na sumilip si Angela mula sa pinagkukublian. Kitang-kita niya si kapitan Panlilio na nakangisi na tila kaharap ang sinumang kausap sa kabilang linya. "Basta tambangan niyo kami sa lugar. Hindi pwedeng sumabit ang pangalan ko, kailangang magmukang tumakas siya at nakuha niyo. Maniniwala sila sa akin dahil sadya namang matigas ang ulo ng babaeng yun." Sandali itong huminto at nakinig sa sinasabi ng nasa kabilang linya."Basta huwag niyo muna siyang gagalawin. Hintayin niyo ang go signal nung isa." Napaatras si Angela mula kinatataguan dahil sa narinig. She was stunned, scared and frightened at the same time. San

