Zary's POV "One down. Nagsimula pa lang tayo, hindi pa natin nahaharap ang totoong kalaban natin." Saad ko sa kanila. Ang nilusob naming grupo kagabe ay isa sa mga tauhan o under sa kanya. Dahan-dahanin ko ang pag-ubos sa mga tauhan niya hanggang siya na lang ang matitira. Simula pa lang iyon. "Sis? Alam mo na ba kung sino ang nasa likod ng pangyayari noon?" May pagdududang tanong sa akin ni Teiph. Blankong tingin ang pinukol ko sa kanya. "Hindi pa. But, maybe nandiyan lang pala siya sa tabi-tabi. O di kaya, kilala lang natin, o baka isa sa mga kaibigan natin?" Walang emosyong sagot ko sa kanya. Nakita ko sa lahat ang gulat sa kanilang mga mukha. Parang binuhusan ang mga ito ng isang katerbang malamig na tubig. Napangisi ako sa pinapakita nilang pagkagulat. "A-a-ano a-ang i-ib

