THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Sa isang eskwelahan ay masayang naglalaaro ang mga bata pero ang ibang mga bata ay iba ang pinagkakaabalahan. Mayroong isang batang babae ang magisang nakaupo sa bench habang nakapalibot sakanya ang ilan niyang mga kaklase, hinidi dahil nakikipag-usap ang mga ito sakanya kundi dahil pinagsasabihan siya ngmga ito ng iba’t ibang masasakit na salita. Walang ibang ginawa ang batang babae kundi pakinggan ang mga pang-aasar at pangu-ngutya ng kanyang mga kaklase habang siya’y nakayuko. Pero sa isang banda ay nanatiling nakamasid ang isang batang lalaki habang nakayukom ang kanyang kamay. “Seriously? They are going too far” – mahinang saad ng batang lalaki habang pinipigilan niya ang kanyang sarili nasumugo sa kanyang mga kaklase at gumawa ng gulo. Gustuhin niya ma

