Pagpasok namin sa loob ng bagong bahay ay mas lalo ang namangha. Sobrang ganda ng loob. Kumpleto na rin ang mga furnitures na kailangan. "Hala, grabe naman! Talaga namang napaka bongga ng bahay na ito. Parang mansion na rin sa laki. Masasabi mong mayaman ang nakatira rito," mangha ring sabi ni Sopi. "At tayo pa ang titira mismo. Sa isang iglap lamang ay magbabago na ang buhay natin. Ang sarap sa pakiramdam na sabay nating aabutin ang isa sa mga pangarap natin," saad ko. Parehas kami ni Sopi na naglilibot sa bahay. Malaki talaga siya at kasya na ang buong pamilya rito. May dalawang kwarto sa ibaba. Pwede na siguro itong gawin na patahian at closet area. Kahit papaano ay may goal kami na magkaroon ng mas malawak na business. Malamang ay magha-hire na rin kami ng mga taga tahi. Kami lan

