Nag-post na kami ng mga ibebentang damit ni Sopi. After ng semester niya ay makakapagtahi na ulit kami ng mga bagong damit. Nakapamili na rin kami ng magagadang quality ng tela. Nakahanda na talaga ang lahat ng mga kailangan namin. Ngayon ang punta namin sa bagong bahay. Maglilipat na rin agad kami ng mga gamit. "Ate Ria!" tawag sa akin ni Sopi. "Tingnan mo ang mga comments. Dali!" Kinabahan ako sa tawag niya. Akala ko naman kung ano na ang nangyayari. Unupo ako sa tabi niya at binuksan ang accounts namin. Ilang mga damit pa lamang ang naipo-post namin, dinumog na ng comments at messages ang accounts namin. "Paano natin ibebenta ngayon ang ilan diyan? Ang dami nag-message. Paano ang priority natin?" tanong ko. Hindi pa ako sanay na makipag-usap sa mga tao. At paano rin kaya ang mod

