"Puwede mo bang ikuwento sa akin ang mayroon kay Jarvis at Brianna?" pakiusap ko kay Jayvril. Umaasa ako na malaman ko kay Jayvril ang katotohanan. Alam ko naman sa sarili ko na pinaglaruan lang ako. Gusto ko lang malaman kung totoong kabit ako. "Go back to my Mansion then ask them," sagot ni Jayvril. Napayuko na lamang ako. Ayoko na ngang bumalik sa bahay niya e. Baka mag-cause lang ako ng gulo. Sinabi ko naman na sa kaniyang maghahanap na ako ng bagong tutuluyan. Hindi niya ba iyon narinig kanina? "Ayoko nang bumalik doon. Baka magkaroon lang ng issue kapag nalaman nila ang totoo. Ayoko na rin na makita ako ni Jarvis. Hindi na kailangan na mag-usap o magkita pa kami," pagklaro ko. Huminga nang malalim si Jayvril. Sobrang tigas ba ng ulo ko? Gusto ko lang naman na umiwas na sa gulo.

