Nagsuot ako ng all black na outfit para mas madaling magtago sa mga bantay. Kailangan kong galingan sa pag tatago para hindi nila ako mapansin at makita. Napaghandaan ko naman ito kahit paano. Hindi ko sinabi sa magkapatid na pupunta ako sa palasyo. Kaya ko naman na ang mag-isa at ayoko na rin na mag alala pa sila. Ilang beses na rin akong nakapag-ensayo kaya malaki ang tiwala ko sa aking sarili. Sigurado ako na kayang kaya ko pumuslit doon nang hindi namamalayan ng kahit sino. Tanghaling tapat ngayon kaya malamang ay hindi masyadong mahigpit ang mga bantay. May kahinaan din naman sila at madalas na mas gugustuhin nilang magpahinga sa ganiyang oras. Kaya sa tingin ko ay hindi dapat ako abutin ng gabi. Mas alerto kasi ang mga bantay pag sumapit na ang gabi. Tiningnan ko ang aking cellpho

