Pagkagising ko ay naligo agad ako at inayos ang mga kailangang ayusin. Halos hindi rin ako nakatulog nang maayos. Hindi kasi ako mapakali para sa araw na ito. Inilabas ko ang mga daggers na ibibigay ko kay Sopi at Jayvril. Maganda kung mayroon silang armas laban sa ibang mga bampira. Nilagyan ko ng kakaibang lason ang mga ito. Hindi gagaling ang malalalim na sugat na matatamo ng mga biktima nito. Posibleng magresulta sa pagkamatay ng mga bampira ang malalim ba saksak gamit ito. Pinaghandaan ko talaga ang mga armas, sakaling kapusin ako ng kakayahan. Mabuti na rin na handa ako sa lahat ng oras. Pagkalabas ko ng kwarto ay wala pa silang dalawa. Napatingin ako sa oras at nakitang alas kwatro pa lamang ng umaga. Masyado ata akong excited para gawin ang pagsagip sa kapatid ng fake kong i

