Chapter 55

1612 Words

"Rielle, bumili kami ng puwede mong paglibangan dito. Tinulungan ako ni Kuya Kiefer na bilhin ang mga ito," saad ni Kiana. May dala-dala silang isang malaking box. Mukhang sewing machine ang ibibigay nila sa akin. "Hindi naman tayo ang nagbayad nan. Alam mo naman na si Jayvril lagi ang gumagastos para sa bahay na ito," natatawang sabi ni Kiefer. "Nag-abala pa kayong dalawa. Ayos naman na ako sa ginagawa kong mga gawaing bahay dito," ika ko. Nakakatuwa naman na kahit na ganoong kasungit at walang pakialam si Jayvril sa nangyayari sa iba, nagbibigay oras at investment pa rin siya sa mga tumitira rito. Napapa-isip tuloy ako kung kaibigan din ba ang turing niya sa akin. Sana ay totoong tanggap niya na nakikitira ako sa bahay niya. Inilagay nila sa kwarto ko ang box. Tama ang aking hula

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD