Hindi ko na naibigay kay Sopi kahapon ang regalo ko sa kaniya. Nalaman ko na magkalapit lang pala ang kaarawan namin. Sa birthday niya na lamang ko ito ibibigay, para naman makabawi ako kahit konti sa sorpresa niya para sa akin. Next week na rin kasi iyon kaya nag iisip na ako kung anong magandang gawin para sa birthday niya. Sa totoo lang, pwede nga kami magbakasyon bilang selebrasyon ng kaarawan namin. Pwede kaming lumabas ng kaming dalawa lang para ma-celebrate namin ng masaya ang mga birthdays namin Ngayon ay kausap namin si Caren at Zoe sa cellphone at naka video call kami. Nasa kusina pa rin kami para ipakita ang mga dekorasyon na ginawa nila Sopi. Hindi ko na sinabing kasama si Jarvis na gumawa noon dahil hindi naman nila iyon kilala. "May surprise kami ni Zoe para sa inyong da

