Dinala ng impostora si Ella sa kwartong pagamutan. Sinundan namin siya para mas mabantayan ang mga kilos niya. "Tulungan ninyo ang prinsesa ninyo! Bilisan ninyo! Huwag hahayaan na may mangyari sa kaniyang masama kung ayaw ninyong managot sa akin," banta pa ng impostora. Dali-dali ang mga manggagamot na kinuha si Ella, sa takoy na rin nila. Inasikaso naman agad iyon ng mga manggagamot. Nahimatay lang naman si Ella, akala naman ng impostora na iyon ay mamamatay na ang kaniyang anak. Hindi pa siya puwedeng mamatay dahil kailangan niyang pagbayaran ang mga kasalanan nila sa amin, pati na rin sa mga inosenteng bampira. "Tingnan mo nga naman, mahina pala siya sa ganiyan pero ang lakas manira ng iba. Kakaiba rin talaga ang babaeng ito e. Parang ang sarap sakalin," biro ni Zoe. Natawa kam

