"Ha? Saan? Paano?" sunud-sunod na tanong ni Sopi. "Sa page ng business natin. I-check mo," sagot ko. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang cellphone at tiningnan ang aking sinasabi. Nagmamakaawa na si Nathan na makausap siya. Gusto niyang humingi ng pasensiya sa maling nagawa niya. Isang taon na niyang hinahanap si Sopi pero hindi niya ito makita. Minsan ay naaawa na ako sa kanila. Hindi ko naman akalain na aabot sa ganitong katagal ang paghahanap ni Jarvis at Nathan sa amin. Akala ko talaga ay makalilimutan na nila kami. "Anong gagawin ko, Ate Ria?" nag-aalalang tanong ni Sopi. "Hindi ko rin alam. Mabuti siguro ay hintayin natin si Jayvril para matanong natin kung nasa tamang panahon ba para kausapin ang mga kaibigan niya. Hindi natin tiyak ang kaya nilang gawin e," sagot ko. Bumalik

