Nakalipas ang araw na hindi ko man lang formal na naipakilala sa kanila si Jayvril. Kinabukasan ay inimbitahan namin si Jayvril para sa isang salu-salo. Kahit papaano ay malaki ang pasasalamat namin na walang nasaktan sa amin. Napagdesisyunan namin ni Sopi na pagaanin naman ang loob nila. Pagbungad sa akin ni Jayvril ay inabot niya sa akin ang isang bouquet. Nakalimutan ko na Monthsary pala namin. Kinantyawan tuloy kami ng mga pinsan ko nang makita ang ganap namin. Masaya ako na tanggap din nila si Jayvril. Gwapong-gwapo nga si Zoe at Caren kay Jayvril dahil kahapon lang daw nila nakaharap si Jayvril nanh personal. Nakikita lang daw nila ito sa mga magazines at sa balita. "May dala ka rin pala na cake. Maraming salamat ha? Happy monthsary!" sambit ko. Hinalikan ko siya sa pisngi.

