Hindi ko nagawa ang una kong plano na magpakita sa impostora bago matapos ang pag-uusap nila ng Reyna. Ayos lang naman siguro iyon. Hindi naman sila nagtagumpay sa masama nilang balak. Wala rin namang tiwala sa kanila ang Reyna kaya wala na dapat akong ipangamba. Hinding-hindi matutuloy ang kasalanan na ginusto ni Ella at ng kaniyang ina. Ilang araw na lamang ay matatapos na ang bakasyon nila Tito sa Mansion. Sila Zoe at Caren naman ay paminsan-minsan namang dumadalaw kaya ayos lang na hindi sila magtagal dito. "Ano na ang gagawin natin?" nag-aalalang tanong ni Mom. Tumikhim si Tito kaya napalingon kami sa kaniya. Saad niya, "Ako na mismo ang kakausap sa aking kapatid. Magpapanggap ako na may nakarating sa akin na balita na hindi niya tunay na anak si Ella." Napansin ko na malungk

