Bumalik ako sa palasyo. Nagpaalam naman ako kay Mom na pupunta ako. Bukod sa gusto kong malaman ang update sa nangyayari sa palasyo, balak ko ulit takutin ang impostora. Gusto sanang sumama ni Mom papunta sa palasyo pero hindi na ako pumayag. Ayokong mapahamak pa siya nang dahil lang sa kapabayaan ko. Pagdating kasi sa kapangyarihan ko, parang wala pa akong tiwala sa sarili ko na kakayanin ko na dalawa kaming susuportahan ko. Natatakot ako na baka manghina ako at mahimatay. Kapag nangyari iyon, dalawa pa kaming mapapahamak ni Mom. Ayos na sa akin na ako na lamang ang magsakripisyo. Iniwan ko muna siya kila Zoe at Caren. Habang wala ako ay sila muna ang magbabantay kay Mom. Alam naman nilang hindi ko maiiwan na mag-isa iyon. Saktong pagkarating ko sa kwarto kung nasaan si Ella at ang

