Chapter 6

2576 Words
“Mura lang yan, fifty lang! Custom made, walang kaparehas. Tingnan mo pa,” sagot ko sa nagtatanong ng price ng binebenta kong roses galing divisiroia na pinagpuyatan kong i-arrange kagabi. “Ate tapos na ba yung pinapaprint kong greeting card?” Tumango naman ako sa dumating na college student sabay abot ng personalized greeting cards na inorder nito three days ago, “As promised extra special!” magiliw kong sabis a kanya sabay turo sa mukha ng kanyang girlfriend, “Matutuwa sya dyan pihado.” “Naku sigurado. Subok ko na yearly pag ikaw gumawa, nagugustuhan nya. Eto bayad. Keep the change!” masayang sabi ng lalaki sa akin sabay abot ng two hundred pesos na buo sabay takbo paalis. Napangiti naman ako habang binubulsa ko ang binayad nya. It really pays to know your customer. Medyo nagpakastalker ako about two years ago sa kanilang dalawang mag jowa. Nalaman ko sa sss page ni girl na mahilig ito sa melody, hello kitty at kung ano ano pang sanrio character kaya iyon ang ginawa ko nung unang umorder sa akin ang boyfriend nyang panregalo sa birthday nya. Nang magustuhan ni kuya ang resulta, naging suki ko na ito tuwing may okasyon gaya ngayong Valentine’s Day. “Magkano yung toblerone mo?” “Two hundred fifty, may kasama nang ribbon at greeting card. Bili na!” udyok ko sa lalaking mukhang nagdadalawang isip pa pero sa tulong ng mga katropa nito ay napabili na din ito sa akin. Walang klase ngayon dahil isa ang school ko sa mga pinagpalang paaralan kung saan suspended ang klase pag Valentine’s Day pero kailangan mo pa ring pumasok at magpa-attendance. Ok lang sa akin dahil unlike most of my schoolmates na halos mabaliw na sa kakiligan ngayong araw na ito habang napunta sa kung ano-anong booth. Kissing, Dating, Dining, Singing, V.I.P etc. etc. etc., heto ako busy sa pagbebenta ng mga bulaklak, chocolates, cards, stuff toys at photo printing services habang ginagawa ang cute na family tree na request sa akin ng isang nanay na nagkasakit at hindi na magawa ang project ng anak na grade schooler. One month na lang at graduation na. Final Exam na lang at nakatoga na akong mamartsa. Achievement ko na makatapos ako on my own ng high school but for me, life has just begun. Mas madugo pag college pero mas madami vacant time kaya I try to think of it that way para hindi ako masyadong ma-nega sa buhay. “Sige lang kuha na lang kayo ng gusto nyo, iabot nyo na lang sa akin bayad,” sabi ko sa mga kaklase ko na gustong bumili ng aking mga paninda na nakalatag sa lamesa ng canteen at ilang sandali na lang at sold-out na ako. I admit, nakakatuwang panoorin ang mga magkakapares na mga mag sweethearts na estudyante na naglalakad sa aking paligid. Nakakatuwa din ang mga singles na nagpapakabusog na lang dito sa canteen o kaya ay malalakas ang trip na pinagkakatuwaan ang mga magjowa. Sa lahat ng mga Velentine’s Day na dumaan sa aking high school life, ngayon lang ako nag-abala ng todo para ngayon. Sa aking mga paninda at sa… “Wow ang cute naman nito ate! Magkano sya?” Napatingin ako sa isang college student na nakatayo sa harap ng lamesa ko at nakatingin sa isang boquet ng white at red roses na nakabalot sa mamahaling silk paper na may kabundle na chocolates na talagang pinili ko myself for this certain flower arrangement. Umiling naman ako, “Ay hindi sya for sale.” Dumating ang ilang mga lalaki pa from all year levels ng mapansin nila ang unique boquet na mas nahalata dahil naubos na pala ang aking pangtinda na mga bulaklak. “Ang ganda! Benta mo na!” “Magkano ba?” “One k pwede na?” Napangiwi na lang ako sa mga offer nila, “Pang display lang yan mga kuya. Naubusan na ako ng pangbenta.” “Sayang kasi! Ang ganda ng pagkaka-ayos!” “Matutuwa tyak si mahal pag binigay ko yan sa kanya.” “Two thousand?” “Please benta mo na! Sobrang astig ng arrangement!” Bumuntong-hininga na lang ako, “May pagbibigyan kasi ako nyan mga kuya…” Napatigil naman sila sa pakikiusap sa akin at napangiti. “Ahhhh….” “Kaya naman pala ayaw mo ibenta…” “Di mo naman sinabi agad ate…” “Sino naman kaya ang swerteng pagbibigyan?” “Good luck!” Magkakasabay halos silang lahat umalis sa aking harapan at pagkatapos ng maliit na eksenang iyon ay minabuti kong tanggalin na sa table ang boquet at itabi ito sa aking kinauupuan. Tumingin ako sa aking mga paninda at mabibilang na lang sa aking mga daliri ang natitirang mga paninda ko at wala pang alas dos ng hapon ay tubong lugaw na ako. Masaya na naman ako magbibilang ng pera mamayang gabi nito. Napangiti naman ako ng sinugod ako ng isang grupo ng mga sophomore na mga babae at pinagbibili lahat ng mga chocolates na binebenta ko hanggang sa officially ay masold-out na ako. I’m finally free to do my personal business today kaya inimpake ko na lahat ng aking paraphernalia sa pagtitinda bago maingat na inangat ang boquet na pinaghirapan kong gawin kagabi at tumakbo papunta sa locker room para itago muna doon ang aking mala dora the explorer na backpack. Dumeretso muna ako sa comfort room para mag-ayos. Oo… Mag-ayos ng mukha… Sinuklay kong pilit ang aking magulong buhok na ilang linggo na atang hindi nakakadaupang-palad ng suklay dahi pagkatuyo nito ay pinupuyod ko na agad para less time consuming at hassle. Buti na lang wala akong madaming pimples kahit araw-araw akong puyat at mahilig pa sa mani o malalangis. Inilabas ko ang binili kong foundation at nilagyan ng tama lang na dami ang aking buong mukha bago nag lipstick ng fresh pink or something before looking at myself in the mirror. Nagmumukha naman pala akong tao pag sinipag akong ayusin ang sarili ko. Ang huling time ata na nag make-up ako ay two years ago pa nung may meeting with the president ng K.O.R and after that hindi na nasundan pa. Inispray ko na din sa aking katawan ang pabangong padala sa akin ni Karina nitong last month lang. Amoy mamahalin na din ako kahit papaano at kahit minsanan lang. Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin one last time bago lumabas na ng c.r dala-dala sa aking mga bisig ang boquet na iniingat-ingatan ko maghapon. On my way sa classroom ng pagbibigyan ko nito ay naalala ko bigla ung card na dapat ay kasama nitong mga bulaklak at chocolates. Habang naglalakad ay idinikit ko ito sa balutan using a double sided tape. Malapit na ako at sa wakas ay namataan ko si Drayden na naglalakad papalapit sa direksyon ko. Wala na akong pakialam kung may mga kaklase ako o schoolmates na nakatingin sa akin o sa dala kong boquet na talagang agaw pansin naman talaga dahil I really outdone myself when making this. Kung hindi ko kayang masabi ng harapan sa kanya ang tunay na nararamdaman ko, sa sulat ko na lang idadaan… “Oh, Elesa!” masayang bati sa akin ni Drayden ng magkaharap na kami finally. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya pero iniabot ko ang boquet at ang roses na ginawa ko especially for him with all my hidden for him together with it… Ngumiti naman ito at tumango, “Ay! Ikaw na talaga, Elesa! Tamang-tama, hindi na ako magpapakahirap pang lumabas ng school para bumili ng boquet. Buti may dala ka!” sabi nito sa akin sabay kuha ng binibigay ko and to my utter surprise, he shoved a crisp five hundred pesos sa aking nanlalamig na kamay, “Keep the change! Salamat sa iyo may pambigay na ako kay Celes. Ang ganda nito ah! Anyways, mamaya na ulit, naghihintay na gf ko. See you around!” Nakakailang hakbang na ito palayo pero biglang tumakbo sya pabalik sa akin sabay tanggal sa card na nakadikit sa boquet at inilagay sa aking kamay, “Hindi ko na need itong card, I will tell her myself what I wanted to say to her. Mas romantic diba? Bye ulit!” Iyon lang at tuluyan na itong tumakbo palayo sa akin papunta sa cheer captain na nakaupo sa isang bench sa hindi kalayuan with her cheer buddies. Malakas na nag-iritan ang mga ito ng iniabot ni Drayden sa girlfriend nya ang boquet na pinaghirapan at pinagpuyatan kong gawin para sa kanya. He got a tight embrace from the girl and several of my classmates and schoolmates took their pictures and cheer for them. Napatingin ako sa card na nasa kaliwa kong kamay at sa five hundred pesos na nasa kanan. Tahimik akong tumalikod at nagalakad pabalik sa locker room. Along the way hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa limang daang piso na hawak ko at sa card na dapat ay ibibigay ko kay Drayden. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. It’s a mixture of amazement and disbelief. Hindi pa rin naporpocess fully ng aking puso at isipan ang nangyari sa akin at sa pathetically failed confession ko sana. Hindi ko ba alam kung kakaawaan ko ba ang sarili ko o kakainisan. Kung iiyak ba ako o tatawa sa aking katangahan. Minsan na nga lang akong magkaganito at magmatapang, napurnada pa. Napakagaling kong mangaral sa iba pero sarili ko hindi masunod ang mga pangaral na pinagsasasabi ko. Isn’t it ironic and laughable? I dared to take my chance on love just this once. Just one shot at sa isang bagay na hindi ko pa nasusubukang gawin sa high school life ko. Yet this is what I get? I should’ve listened to my own advices. Kung may nakakakilala siguro sa akin dito bilang si Kyria, baka napagtawanan na ako ng sobra-sobra for my idiocy. Pagkarating ko sa locker room ay isinaksak ko sa garapon ng aking mga kita ang five hundred na nakuha ko from Drayden. Still, no matter what happens. Magkabaliktad man ang mundo ko. Masaktan man ako ng sobra at mapagtawanan ng kapalaran o ang aking puso ay mahirapan, ang pera ay pera pa rin. That’s what I love about money. It doesn’t change as long as you take care of it. Inilabas ko ang aking backpack sa aking locker at isinakbit na ito sa aking likod. Mag fofour pa lang ng hapon at wala akong trabaho sa station tonight. Pinag paid leave ako ng aking mga amo dahil ayaw daw nila na mambasag si Duchess Kyria ng mga kilig na kilig na listeners ngayong araw na ito which is fine by me. With my state right now, baka kahit magsalita ay hindi ko magawa sa ere. Akala ko ay solo ako dito sa locker room pero laking gulat ko ng paglingon ko sa aking likuran ay nakita kong may kasama pala ako. “Happy Valentine’s Day Elesa, for you,” nakangiting sabi ni Lysander sa akin sabay abot ng hindi kukulang sa isang dosenang pink tulips wrapped in an obviously expensive abaca clothe, “Also, choclates of course,” masayang wika nito bago ipatong ang Ferero Rocher chocolates in a heart shaped container wrapped in red ribbon. Bago pa ako makapagtanong kung bakit nya ako binagyan ay nagsalita ulit ito. “Wow your hair looks nicer when you comb it pero no offense, I preffer your face untouched. It shows off your natural looks,” he said seriously before continuing, “At nagpabango ka pa! Para ba makahatak yan ng customers? Kamusta ang benta mo today? I bet sold out ka. I heard from my classmates and group members that your merchandises are personalized and unique. Balato naman,” biro nito sa akin. In my mind I am computing just how much this boquet of flowers cost plus the expensive chocolates na halatang limited edition while trying to deduce his motives for doing these things. Since he suddenly barged in my life and demanded to be my friend ay at least twice a day na itong nabisita at nakikipag-usap sa akin. Even more so than Drayden’s seldom visits. He just wanted me to talk to him. Topics ranging from my merchandises to his friend’s pranks and jokes. Despite his imposing aura ay mukhang magalang ito at matinong kausap surprisingly. “I know that look,” untag nito sa akin ng hindi pa rin ako nagsasalita habang nagpapalit ang tingin ko sa kanya at sa bulaklak at chocolates na nasa kamay ko ngayon, “Kinocompute mo kung magkano yang binigay ko sa iyo diba?” he asked me. I nodded and then he smiled triumphantly. “Well let’s just say that its’s really expensive. Pero dahil kilala kita at alam ko na ang kasunod mong tanong ay sasagutin na kita. Yes, may kailangan ako sa iyo today.” “And that is…?” maingat kong tanong dito. “Mag date tayo ngayon. What do you say? Wala akong ka date dahil ang nag-iisa kong ibang kaibigang babae ay obviously, kasama ang kanyang boyfriend at halata naman na uuwi ka na, why not we humor ourselves and pretend that we’re lovers just for the sake of today’s event seeing that both of us are single?” smooth na tanong nito sa akin na lalong nagpalaki ng duda ko dito. “You’re awfully talkative today,” puna ko sa kanya. “And you’re awfully silent today,” balik sagot nito sa akin. Napangiti naman ako at tumango sa kanya, “Touche. Fine, as long as libre, game ako.” Napangisi ito sa akin at nagsimula nang maglakad kasabay ko papunta sa school gate while ignoring the curious, bordering to scandalized and surprised looks of the students na nakakakilala sa amin, “Baka pagkamalan nila tayong magsyota,” bulong ko kay Lysander. Nagkibit-balikat lang sya sa sinabi ko, “Can’t blame them. I mean, you’re a girl, I’m a boy. May hawak kang boquet at chocolates. It’s Valentine’s Day, everyone who are in pairs are automatically in a relationship of some sorts for today. That and…” hindi na nya tinapos ang kanyang sinasabi and instead looked down at sa aking kamay na hawak nya. Akmang hihilahin ko ang aking kamay pero lalong humigpit ang hawak nya dito, “Hey, you agreed that we pretend to be lovers. Walang bawian Elesa,” tudyo nito sa akin as we walk. “Siguraduhin mong mabubusog ako sa pagdadalhan mo sa akin, Lysander.” Tumango sya sa akin, “Don’t worry! Ako ang bahala. Nandyan na ung sundo natin,” wika nito sabay turo sa paparating na gray na Ford Expedition. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa trip nitong kaibigan ko… Maybe because alam kong mababaliw lang ako pag umuwi ako at nagkulong sa bahay after all the things that happened to me a few moments ago. Alam kong ngayon lang ako manhid pero sooner or later ay lalamunin na ako ng hiya, inis, galit at lungkot. Might as well have fun at magpakabusog before the inevitable comes. Last Supper lang ang peg ni Duchess Kyria ngayon…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD