“Aba sa bundok ba ang punta mo ineng?”
Napatigil ako sa paglalakad palabas ng gate ng tinutuluyan kong apartment nang batiin ako ng nagwawalis na si Aling Tere. May katandaan na ito, around sixty to seventy years old siguro. Sya ang may ari ng apartment na tinutuluyan ko ng mahigit apat na taon na.
“Ay hindi naman po,” sagot ko dito sabay sulyap sa bag ko na literal na backpack pang hiking na inorder ko sa Lazada simula nung naging raketera ako, “May pupuntahan po kasi akong event at naisip ko na habang nanunuod ay magbenta na din ako ng mga makakain sa mga audience.”
“Napakasipag mo talaga! Yayaman ka agad nyan!”
Umiling naman ako at inayos ang pagkakasakbit ng backpack sa aking mga balikat, “Naku hindi naman po. Kailangan lang magsipag at dumiskarte dahil mag cocollege na po ako sa June. Kailangang makaipon ng pera pang enroll.”
“Tingnan mo nga naman ang panahon oo. Parang dati ay first year high school ka pa lang ng dumating ka dito, ngayon dalagang dalaga ka na at mag kokolehiyo na! Sinasabi ko na nga ba at malayo ang mararating mo kahit mag-isa ka lang sa buhay!” masayang sabi nito sabay tango sa akin.
Malaki ang utang na loob ko kay Aling Tere.
Nung namatay yung nanay ko sa sakit when I was just twelve years old ay parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. Nailit ang lupa’t bahay na naipundar ng tatay kong yumao sa pagsusundalo nung baby pa ako last war. Nagkaroon ng aberya sa pension na sana’y matatanggap naming mag-ina. Likas na mahina ang pangangatawan ng nanay ko kaya lagi itong nag gagamot hanggang sa hindi na kinaya ng kanyang pagtatrabaho bilang office staff ang mga gastusin namin kaya napilitan syang isangla ang bahat at lupa para matustusan ang aming pangangailangan.
Ibinilin ako ni nanay sa kanyang mga pinsan bago sya mamatay pero hindi sila naging mabuti sa akin.
Hindi ko sila masisisi, salat din sila sa buhay at isang dagdag na palamunin lang ako kaya binenta ko ang mga kakaunting alahas na naitabi ni nanay para sa akin at naglayas na ako dala ang sampung libong piso na napagbentahan ko na pakiramdam ko ay nalugi pa ako.
Nakilala ko si Aling Tere sa isang lugawan. Naulan noon at gabi na. Nagkakwentuhan kami habang nakain at inalok nya ako ng apartment na matitirhan. Libre ng three months. Tinulungan din nya akong mag-enroll sa isang public school at ang tumayong guardian ko pag may kailangang papirmahan sa mga magulang.
Nang nagsimula na akong kumita sa aking mga raket ay binayaran ko na ang renta ko sa kanyang apartment plus yung mga buwan na pinalibre nya sa akin in form of gifts and foods.
“Salamat nga po sa inyo at hindi ako nagtagal na pakalat-kalat sa daan,” sabi ko sa matanda na napangiti naman at tumango.
“Magaling talaga akong kumilatis ng tao. Hala sya! Hindi na kita aabalahin pa! Magsaya ka panunood pero galingan mo sa pagbebenta ng mga kakanin!” paalam nito sa akin sabay balik sa pagwawalis ng garahe.
“Sige po Aling Tere, una na po ako,” sabi ko dito sabay kaway at labas na ng gate.
Naghintay ako tricycle at swerteng may napadaan agad sa tapat ng tinitirhan ko.
“Manong sa Sports Field Arena pero idaan mo muna ako saglit sa Obet Water Station. Dagdagan ko na lang bayad,” sabi ko dito at mabilis nyang pinatakbo ang tricycle.
Nakaraan ang ilang minuto at itinigil ng driver ang tryke sa tapat ng isang malaking refilling stationat bumaba naman ako agad.
“Sir Obet ung tatlong dosenang bottled water na inorder ko?” tanong ko sa lalaking nagmamando sa mga tauhan nya na busy sa pag-aayos ng mga bote at water jugs.
Napalingon sa akin ang may ari ng station at ngumiti, “Ah! Elesa! Teka lang ha?” sabi nito sa akin sabay tingin sa isang tauhan, “Nasaan na yung inorder ni Elesa?”
“Ah sir diba kasunod na yung sa kanya? Nagpadagdag kasi ng order yung Terminal Bus ng order.”
Napailing na lang si Sir Obet sabay kuha ng tatlong kahon ng bottled waters at ipinatong sa harap ko, “Basta’t ikaw Elesa laging areglado! Apat na taon na kitang suki, ikaw pa?”
“Salamat Sir Obet!” masaya kong sabi sa buting may ari ng pinagkukunan ko ng bottled waters at iniabot ang aking bayad.
“Walang problema. Gagraduate ka na diba? Naikweto ni Ate Tere nung minsan lang. Tingnan mo nga naman!” tuwang banggit nya sa akin habang dinala ng tauhan nya sa sinasakyan kong tricycle ang mga kahon.
“Sana nga po, Sir Obet. Salamat po ulit,” magalang na tugon ko dito at nagpaalam na ako sabay sakay sa tryke na naghihintay sa akin.
Hindi naman kalayuan yung Arena at ilang minuto na lang ay makakarating na din ako. Better be early para makakuha ako ng magandang pwesto.
-0-
Akala ko maaga na ako pero thankfully, nagkamali ako. Pagpasok na pagpasok ko kasi sa arena ay madami nang nakaupo sa mga bleachers na karamihan ay mga fangirls na nag-iiritan at pinipicturean ang mga nag wawarm-up na mga players.
Pumwesto ako sa upuan na malapit sa exit at inilagay sa ilalim ng aking upuan ang aking backpack na puno ng mga popcorns, candies, chichirya pati na din isang dosenang ponkan na target kong ubusin bago matapos ang match.
Hinubad ko ang suot kong jacket para makita ng mga pagbebentahan ko ang aking school p.e shirt and to show my support sa pambato namin. Itinali ko ito sa aking beywang at nagsimula na akong mag uli-uli sa paligid ng arena bitbit ang aking mga paninda.
Swerte at ang dami agad bumili ng aking mga tinitinda para daw hindi na sila tumayo at lumabas pa mamaya pag nagsimula na ung laro. Hindi nagtagal at nagsimula ang match nila Drayden at bumalik na din ako sa aking upuan para panuorin sya.
Hindi ko alam kung paano laruin ang soccer at kung ano ang mga rules nito. Basta ang alam ko, kung sino ang may mas mataas na score sa pagtatapos ng laro ay sya ang panalo.
Kitang kita ko ang pawisan na si Drayden na bigay todo sa paglalaro. Sa bawat galaw nito na matindi kahit nakascore man sya o hindi ay isang masigabong palakpakan at iritan ang ginagawa ng mga fans nya na to be honest ay todo ang effort sa pagsuporta.
May mga tarpaulins at banners pa silang dala at may sarili pang pag chant ng pangalan nya.
“Ate may bottled water ka pa?”
Tumango naman ako at inabot dito ang tig sasampung piso na mineral water na binebenta ko ng bente. Pagkakuha ko ng bayad nya ay masaya kong shinoot sa garapon ang pera at napangiti ako.
Sold out ako ngayon at maghahalf-time pa lang ang laro. Dapat pala dinamihan ko ang mga paninda ko.
Pero nang makita ko ng nagsimula nang magsayaw ang mga cheerleaders habang titig na titig si Drayden sa babaeng apple of his eyes for the week ay bumuntong hininga na lang ako at hinugot sa aking backpack ang aking netbook at binuksan ito.
Malapit ko nang matapos yung pinaparesearch sa akin at sa halip na manuod ng performance nila nay magtatype na lang ako at mag-uupdate ng mga paninda ko sa aking online shop.
Pero habang natipa ako sa keyboard ay hindi ko maiwasang hindi sumalyap sa mga nagsasayaw at sa sexy na cheer captain.
Kung meron mang consistent kay Drayden, ito ang taste nito sa mga babaeng nagugustuhan nya. Sexy, mahahaba at makikinis na legs, mayamang dibdib at pang sagala na mukha. Gusto nya yung malalakas ang dating at hindi nahihiya.
Tama nga naman siguro na hindi ko patulan ang kanyang mga biro. Maglalabas akong katawatawa kung sineryoso ko pala ito.
Just look at me, isang boring na babae na may boring na mukha.
Hindi kagandahan, hindi rin kapangitan. Hindi pango pero hindi rin naman katangusan ang ilong. I look bland at best. Yung tipong minsanan mong makita, hindi ka na ulit titingin pa o maaalala ako dahil sa forgettable kong hitsura at attitude.
Hindi naman ako katabaan pero hindi rin kasexyhan. May fats ako pero hindi naman umaabot sa point na tatawagin na silang bilbil or anything. Kupas ang aking pantalon at ang aking jacket ay bili pa namin ni Aling Tere sa Divisoria na tig sisingkwenta nung pasko.
Masakit mang aminin pero matagal ko nang alam na hindi ako pwepwedeng itabi ng pangmatagalan kay Drayden na bukod sa gwapo na, galing pa sa kilalang pamilya ng mga negosyante.
Hindi lang ako magmumukhang yaya kundi magmumukhang social climber pa dahil alam ng lahat na ako ang number one raketera sa school at lahat ng legal na mapagkakakitaan ay papatusin ko.
Wala akong karapatang magkagusto sa iyo pero hindi ko mapigilan ang aking puso. Babae din ako at nasa age kung saan very impressionable at natatamaan ng matindi ni kupido. Naililigtas lang ako ng pagiging hayok ko sa pera.
Kung wala siguro akong iniisip na negosyo at sidelines baka tuluyan na akong naging isa sa mga babaeng ngayon ay halos gumulong na sa sahig at panawan ng ulirat kaka irit ng maka goal ka at naipanalo mo ang match.
Isa ako sa mga tumayo at nagbigay ng standing ovation nang iabot na sa team ninyo ang tropeo. Isinakbit ko na ang backpack ko na considerably lighter at binuhat ang tatlong walang lamang kahon ng bottled water palabas ng arena habang hindi pa nagsisilabasan ang mga nanuod ng match.
I gave Drayden one last fleeting look that I immedietly regret nang makita kong yumakap sa kanya ang cheer captain.
Napailing na lang ako at minabuti kong bilisan ang paglalakad palabas ng arena sabay tapon ng mga kahon sa basurahan na nadaanan ko.
Wala na talagang mabuting naidudulot sa akin si Drayden. It is time to avoid him all together for the rest of the remaining school year para sa ikakapanatag ng puso ko. Hindi ko alam kung makakalimutan ko ba sya pero I wouldn’t know unti I try and see for myself.
Malapit na palang mag five ng hapon at hindi ko akalain na inabot na pala ako halos ng maghapon dito sa arena.
Well at least sold out ang mga tinda ko at natapos ko na din ang pinaparesearch sa akin so wala na akong poproblemahin after my show this night.
That’s right…
Oras na para magpalit anyo at ilabas ang aking nakatagong persona…
“Manong sa K.O.R station nga!” wika ko sa tricycle drive na mabilis kong pinasibat.
Watch out folks, the “Duchess” will be on air shortly at may topic na naman ako para sa inyong lahat. Ironically, thanks to Drayden and his new girl.
Kung hindi ko kayang ilabas sa lupa ang aking mga hinaing at saloobin well, kayang kaya kong ipagsigawan ito sa “ere” without inhibition.