“Salamat ng madami sa pakikinig ninyo ngayong gabi. Magtatapos na ang shift ng inyong abang lingkod for tonight so allow me to say a few things about what we talked about with Vio,” simula ko immediately after the last commercial before my show will end finally after two hours of kwentuhan at kantahan on air. “Hindi masamang mapagod, my listeners. Hindi masamang makaramdam ng lungkot, ng pag-iisa, ng pagsasawa at pighati pag sobrang-sobra na talaga ang dating ng mga problema at paghihirap sa buhay natin. Lalo na kung nag-iisa lang kayo at walang mapagsabihang iba. Wala na tayong magagawa, nandun na tayo eh. Nandiyan na ang mga problema, hindi iyan aalis kahit itulog o ipikit natin ang ating mga mata. Lalo at higit, hindi aalis iyan kahit takbuhan at pilitin nating kalimutan para mak

