“Ay grabehan! Kaya pala nakapag-cash ka ng bonggang-bongga sa first year mo ng college!” react ni Caileane at napatango naman ako nang ikwento ni Louise in her point of view kung paano kami nagkakilala, “At first akala ko tumama lang siya sa lotto, kaloka!” Napatawa naman ako at napatingin sa prinsesa na ngumiti sa akin, “Well, in a manner of speaking tumama nga ako sa lotto, baks. In a manner of speaking.” “The design was a complete success. Sold-out agad kami ng embroidered fashion items within days and by next year naghahanap na ako ng pwedeng mag-model para sa next iteration ng embroidered design ni Elesa.” Siniko ko naman pabiro si Caileane, “And I just have the perfect ate ghorl for the job na nangangailangan ng sideline para mairaos ang kanyang metamorphosis kemerut!”

