Chapter 9

2038 Words
The normalcy for others is quite far from my understanding. The ordinary life and routines, they're not my cup of tea. Siguro dahil wala namang normal sa buhay ko. Other's would question my existence if they heard the ordinary things for me. Things they wouldn't understand, things that are far from their normal but it's more than enough for me. Kaya hindi ako excited sa unang araw ng class. This is a path chosen by Ahma, an action that she's expecting of me. Studying business failed to excite me but again, I'm doing this for Ahma. This is my kind of normal, following all of her rules. Walking all of her talks. Living the mapped-out life she created for me. This kind of normal... Crazy it may seem but I found peace in it. Maybe because I know that this is the only thing I needed to do. Or maybe... this is the definition of my normal life. Kaya sa tuwing may nangyayaring hindi kasama sa plano ni Ahma, I always panicked. Sa tuwing may maiiba, I'm feeling afraid. Katulad ngayon. Unang araw ng klase sa kursong si Ahma ang pumili. But my mind is somewhere else. Graduation din nina Ahia ngayong araw. Mamaya pa ang simula niyon at pupunta roon si Ahma with our parents. And that's not normal. Kaya ilang oras akong hindi mapakali. First day of my class and I'm not even listening to the professor. My mind is wandering... My thoughts slipped out of me when I felt my phone again. Naka-silent iyon pero kanina pa nagba-vibrate. I looked at the professor, nasa unahan s'ya at seryoso sa sinasabi. First day and he's not discussing, just giving us a heads-up of what we should expect on his class. Inilabas ko ang cellphone at chineck iyon. Hindi rin naman ako mahahalata na hindi nakikinig. A smile slowly crept on my lips when I saw the reason of its vibration. Alfonso: Where are you? It's my graduation. Ilang messages iyon na puro galing sa kanya. Alfonso: You're not attending your brother's graduation? Alfonso: I saw and met your parents here, your grandmother also. I am expecting a gift or even a bouquet of flowers. I'm sure I told him that today's my first day. Nakalimutan ba n'ya? Another message came. Alfonso: Oh, today's your first day of classes. Good luck, Corrine! Ni hindi ko alam kung ano ang ire-reply sa kanya. Hindi ko rin nagustuhan na nangingiti ako habang binabasa ang mga messages n'ya. Crush ko nga yata talaga s'ya? Pero kahit 'yon, in-denial pa rin ako hanggang ngayon. I scribbled a response then sent it to him. Ako: Congratulations! Sa tingin ko ay iyon ang pinaka-safe na sabihin ngayon. Gusto ko pa nga sanang dagdagan pero naalala kong nandoon din sina Ahma at ang parents namin. He met them. I sighed. Pakiramdam ko ay hindi ko gusto ang nangyari. Mas mabuti siguro kung hindi n'ya nakilala ang pamilya ko. "Hi!" It was our last class in the morning when three of my block mates approached me. Katatapos lang ng class and we're about to have our break time. "Are you a Liu of that Liu?" the one with a designer bag asked me. Her voice trembled a bit. "Of course, she is!" giit naman ng isa pa. "Iilan lang ang mga Liu na nagpapakita, no!" "Are you related to Mackisig Liu of San Sebastian?" Hindi na ako nagtaka na gulat at mukha silang nag-e-expect. Hindi naman talaga normal na makakasalamuha sila ng isang Liu. Lius are very private. Kung hindi lang required sa training ni Ahma sa amin ang manatili at manirahan sa ibang bansa, hindi nila kami makikita rito. At isa pa... I glanced at the outside. Naroon ang assistant ko at maging ang driver. They're just standing in the corridor but obviously, they are here to ensure my safety and give in to my demands. Kung sa Beijing, I would be with an entourage of bodyguards pero dahil parte ito ng training, hindi ko kailangan noon. Ahma expected us to maintain a low life here, despite being a Liu. I just didn't know if this is really a low life. From what I experienced in Thailand, an ordinary life doesn't include an assistant or a driver. Hindi rin naman kami pinagbabawalan na itago ang pangalan, we were jus encouraged to... learn and experience life. "I think she is!" Hindi pa rin natatapos ang mga babae. "I always saw her with Alfonso, sa coffee shop ni Julian!" I leaned on my seat and crossed my arms. "Is there a problem with me being a Liu?" Their eyes widened. They're not really expecting a response from me. Or maybe, they're hoping for a different answer, hmm? I stood and picked my bag. I scanned them, more on the material things they possessed. All are designers, clothes, bags and shoes. But again, mine are above them. I smirked when I saw a necklace on one of the girls. "I designed that." I pointed the jewelry on her neck. "And Mackisig is my brother." "Gosh! This is shocking!" They looked like a living mean girls. But still, they're in awe and I think... they're not that mean. The tall girl with the necklace offered her hand. "I'm Shanie." She pointed to the other two. "These are Rosy and Jenie." "Curious lang kami and I have a crush to your brother so..." Iniisip ko pa kung ano ang sasabihin pero nakita kong lumapit na si Narie. "Miss Corrine, kailangan na nating umalis." I tilted my head before glancing at the three girls. They're waiting for an answer. Hindi ko rin inabot ang ngayon ay nakababa nang kamay ng isa. I sighed before walking out of the classroom. Nanatiling nakasunod si Narie at agad na nauna sa amin ang driver. Bago tuluyang lumiko sa hallway, sinulyapan ko ulit ang tatlo. Nakahabol sa akin ang mga mata nila. If I were in Beijing, no one would approach me like that. Ni hindi mag-iisip ang makakasalamuha ko na lumapit, lalo pa to strike a conversation with me. Regardless of his or her social status. Alam kong isa ito sa gusto ni Ahma na maranasan namin. This is not China. Kilala man ang mga Liu rito, pero dahil Pilipinas ito, hindi pa rin sapat ang pangalan ko para pangilagan katulad kung nasa Beijing ako. Dito, not everyone is aware of Liu's influence and money. Dahil mayroon din namang mga kilalang pamilya, mga pangalang may impluwensya at talagang kilala sa bansang ito. "Miss Corrine, do you want me to run a background check on them?" Nasa sasakyan na kami at ang tatlong babae ang tinutukoy ni Narie. Tumango lang ako. I need to know if I have to ignore them. O kailangan kong makipagplastikan sa kanila. This is part of my training but it also means that I needed to build some connections here. That's one of this training's challenges. My class ended at four in the afternoon. Hindi nga lang ako umuwi sa mansion sa Forbes. My parents decided to throw a celebration party for Ahia's graduation. "May hotel room na naka-reserve sa 'yo sa Manila Pen, Miss Corrine," Narie informed me. "Alas otso pa ang simula ng party kaya may oras ka pa para magpahinga at mag-ayos." Nakatunganga lang ako sa natatanaw sa labas ng sasakyan. Kung kanina ay naging kalmado ako, ngayon ay bumalik ang kaba ko. This is really unusual of them. First, they went here just to attend Ahia's graduation ceremony. Second, they will host a party for him. Not very Ahma. Kaya hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i-expect mamaya. Ito rin lang ang unang beses na makikita ko sila after more than a month of being away from Beijing. They were so busy when they came here, na kaya kahit nasa iisang mansyon lang, ni hindi ko sila nakasabay sa breakfast. Sanay na rin naman ako roon. This is one of the few definitions of normal in our family. If it's not about business, it's worthless. Kaya hindi ko alam kung bakit sila nagsasayang ng oras sa pagpunta rito. At magtatagal kaya sila? May alam na kaya sila sa ginagawa ni Ahia? Will they drag him from here and bring him to China? That's possible. Hindi rin ako sigurado kung totoo ang mga sinabi sa akin ni Ahia noong nakaraan. Pero, hindi naman siguro s'ya magsisinungaling tungkol doon, 'di ba? Alam n'yang sa oras na magsinungaling s'ya kay Ahma, that would be his end. Thirty minutes before eight, bumaba na ako. I'm not familiar with this hotel, ang alam ko lang ay sa isang garden ang venue. "Rigodon Garden, Miss Corrine," ani Narie. Nahalata n'ya yatang wala akong alam sa lugar. "Sina Mama?" "Nasa silid pa, Miss Corrine. Mamaya pa sila bababa." Of course. My parents, especially Ahma, would never come down this early. Hindi rin sila ang sasalubong sa mga guest, kung may inimbitahan man. Pakiramdam ko kasi ay biglaan lang ang party na 'to for Ahia. Kung may mga pinadalhan ng invitation, siguradong for formality lang. Malaki ang market ng Liu Jewelries dito sa Pilipinas at maging ang ibang negosyo ng kompanya. Ahma would never beg for anyone's presence. Sapat na 'yong nagpadala s'ya ng invites, wala rin s'yang pakialam kung pumunta o hindi ang mga pinadalhan. The Lius have so much pride on them. Understandable rin naman. Wala na kaming kailangang patunayan sa mundo ng pagnenegosyo. Matagal nang nasa rurok ng tagumpay ang pangalan namin at hirap ang mga kakompetensyang tanggalin iyon doon. Kaya hindi na ako nagulat nang makitang nagdadatingan na ang mga bisita. Mas marami sa inaakala ko kahit na mukhang sobra lang sa isangdaan ang capacity ng venue. Sigurado akong biglaan ang party, maging ang invites, sigurado nga rin lang ako na ang mga taong ito, mas pinili ang pagpunta rito kaysa sa mga nauna nilang schedule. Bakit nga naman hindi kung pagkakataon na 'to to meet Ahma. "Si Ahia?" Iyon naman ang dahilan kung bakit maaga akong bumaba rito. Gusto kong masigurong nandito na si Ahia. "Wala pa, Miss Corrine—" "What?!" My head snapped at my assistant. "Where is he? Kanina pa tapos ang graduation n'ya!" Kaagad na inilabas ni Narie ang telepono n'ya at may tinawagan doon. She's probably calling Ahia's butler. "Contact the security. Tell them to call you if they saw Ahia. It should be discreet, okay?" Mabilis na tumango si Narie. Kabababa lang ng telepono n'ya at ang hinarap naman ngayon ay ang earpiece na nasa tainga. Hindi kaagad ako nagpakita sa bulwagan. Nanatili kami ni Narie sa may tagong bahagi ng garden. Ayokong magduda si Ahma kapag nalaman n'yang abala ako sa paghahanap sa kapatid. "He's an idíot," madiing sabi ko habang sinusubukang tawagan si Ahia. Ni hindi s'ya sumasagot at hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan n'ya. Should I call Alfonso? Siguradong magkakasama ang mga iyon ngayon. Masyado silang malapit kaya posible iyon. But I couldn't. I sighed while looking at the surrounding. Nakakakalat ang security nina Ahma. I'm sure, hindi nila dinala ang lahat ng tauhan nila sa Beijing pero marami pa rin ang pamilyar. Sa halip na tawagan, nag-text na lang ako kay Alfonso. Ni hindi ko nga napansin na may mga messages s'yang hindi ko pa nababasa. Ako: Ate you with Ahia? Can you tell him to go here at Manila Pen? Mabilis ang naging reply ni Alfonso. Alfonso: I'm with your brother, Corrine. Papunta na kami riyan. Dumaan lang kami sa condo ko to freshen up. Pupunta s'ya rito? Kaagad akong na-excite. Sandali nga lang iyon dahil tumuon ang atensyon ko sa ibang detalye. Bakit nila kailangang mag-freshen up? Saan sila nanggaling? "Miss Corrine..." Lumapit si Narie. "Hinahanap ka na ng parents mo." My eyes widened a bit. Kabadong-kabado ako. Paano kung ini-expect nilang magkasama kami ni Ahia? I glanced at center part of the garden. "On the way na si Ahia. Make sure he's presentable," bilin ko sa assistant ko bago taas noong naglakad papasok sa garden. I'm trying to calm my nerves while walking towards my parents... and Ahma. Sa halip nga lang na makalma, mas lalo akong kinabahan nang makitang hindi lang sila ang nandito! Luceanna, Ahia's fiancee's with them!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD