Gusto kong mainis pero dahil alam kong kasalanan ko, wala rin akong magawa. Alright, I accused him! But it's not entirely my fault! I have nothing to do with any of these, sa totoo lang. But because I am engaged with Lucas, damay ako. Or dinamay ako. Alfonso's words are really creeping me out. Pabalik na kami sa isla at kahit gusto kong mag-apologize kay Alfonso, hindi ko naman s'ya makausap. Abalang-abala s'ya sa kung anong pinagkakaabalahan n'ya. He's already talking with the captain when I reached the yacht. I'm waiting for for his free time but it never came. Ngayon kasing malapit na kami sa isla, nagkulong naman s'ya sa cabin at busy daw. Daw. Hindi nga lang ako sigurado kung busy nga dahil kahit 'yong mga tauhan n'ya ay mukhang hindi rin sigurado sa pagiging abala ng boss nila.

