Napabuntong hininga si daniel . Kahit ano talagang ikot nya sa higaan hindi sya dapuan ng antok Napatingin sya sa pinto at napailing nalang ng maalala nya na pagbukas nila nun kanina ay nandun pa ang ama ni kath . "Ano kaya ang ginagawa ni kath ngayun ??"tanong nya sa sarili bago Kinuha ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan . . Tatawagan ko nalang sya para kahit papano maibsan yung pagkakamiss ko sa kanya .. Simula kasi ng marinig ko ang boses nya sa phone nung tinawagan nya ko hangang kanina na naguusap kame sa hallway parang hinahanap hanap ko na .. na gusto ko nalang na marinig ang boses nya magdamag .. na gusto ko yung tatawagin nya ako sa pangalan ko , yung pakingan lang ang mga kuwento nya habang nakangiti sya tapos yung mga tawa nya para talagang musika sa tenga .. tap

