Tahimik ang buong paligid .. At tanging tunog ng orasan lang na nakasabit sa dingding ang tanging ingay na maririnig.. Kasabay ng pagpatak ng likido ng dextose na nakasabit sa kanyang kamay .. Unti unti nyang idinilat ang kanyang mga mata at pinagmasdan ang lugar . . Napatingin sya sa kanyang suot at sa nakakabit sa kanyang kamay . Nasa hospital ako ?? Pero bakit ?? Ipinikit nya ang mga mata at dahan dahang giginalaw ang kanyang katawan .. Unti unti nyang nalala ang mga nangyari .. Yung nangyari nung dinner .. Yung paguusap nila ni daniel Hangang nung nagpunta sya sa condo nya .. Dahan dahan syang napaupo Nakita nya si charles na nakaupo sa gilid .. nakasapo ito sa kanyang mukha habang nakayuko Naramdaman nya pa ang pamanhid ng ibabang parte ng kanyang katawan na na

