Bumalik sya sa kusina at naghilamos sa lababo habang si kathryn ay pinapapak na ang manga habang inilalagay na ito sa isang pingan . "Tara na .. lets eat .. grabe nagugutom na ako " wika ni kathryn bago tinihaya ang mga nakataob na pingan sa lamesa .. umupo din si daniel sa tapat nito at nagsalok na sila ng pagkain Si kath patuloy padin sa pagpapak nung manga . Napatingin sya kay kath na seryosong ngumunguya na halatang gutom na gutom na . "Ay nakalimutan ko yung milk ko at kape mo saglit lang " sabi pa nito at akmang tatayo na ng pigilan sya ni daniel . "Ako na.. sige kumain ka na .." sabi ni daniel bago tumayo . Si kath naman ay tinuloy nalang uli ang pagkain . Habang Tumungo si daniel sa kusina at nakita doon ang isang gatas na nakasalang sa caserola .. mukang fresh ang ga

