Pasyente nya din kasi ito nung nakaraan sya nga ang nagpaanak dito at kung nagdadalang tao nga ito ngayun ay ito na ang pang 8 nya . "O sya sige aling mae ichecheck na kita " wika ni kath at napatingin sa batang hawak nito dahil hindi ito pwede sa loob ng examination room "Eh doc kath .. okay lang ba na ipakisuyo ko muna itong si maylene sa asawa mo ?? " tanong nito kaya napatingin sya kay daniel . "Po ah .. kasi ..." wika ni kath ngunit sakto naman na lumapit si daniel sa kanya at inabot ang isang bottled water . At pinunasan ang pawis ni kath .. Nakagat naman ni kath ang pangibabang labi upang pigilan ang mga ngiti ng dahil sa ginawa ni daniel . "Aysus napaka tamis .. mas matamis pa sa panustya ay ! Pero daniel .. pwede bang makisuyo ?" Tanong ng pasyente kay daniel at ngumiti

