Chapter 38 WILLIAM'S POV "Magandang hapon po Sir," salubong na bati sakaniya ng kanilang katulong at hindi niya na lamang iyon pinansin. "Kumain na po ba kayo Sir? Ipag hahanda ko po kayo ng makakain," "Huwag na Manang, busog pa ako," malamig niyang saad. Inis siyang nag martsa papunta sa sala at niluwagan niya ang necktie na suot-suot niya. Bahid ng galit at iritasyon ang lumukob sa kaniyang mukha ng sandaling iyon. Sa tuwing naiisip niya ang sinabi ng kaniyang anak na si Liliam, lalo lamang siya naiinis. Bakit ganun? Bakit mahal niya ang lintik na Elthon na iyon kaysa sakaniya? Ako ang totoo niyang Ama, pero bakit ganun ang aking nararamdaman? Aaminin ko sa aking sarili na nasaktan ako ng husto, na hindi siya kinilalang ama nito, at mas mahal nito ang hindi nito kadugo. Hindi m

