Chapter 49 HANNAH'S POV Sumilay ang mapait na ngiti sa aking labi habang pinag mamasdan ang repleksyon ko sa salamin. Hindi ko mapigilan na mapa iyak muli dahil namumugto na ang aking mga mata sa walang humpay na pag iyak. Maitim na din ang aking ilalim ng aking mga mata, na walang sapat na tulog. Napaka putla na din ang aking balat at magulo ang aking buhok, na kahit sarili ko hindi ko na magawang ayusin. "Ano bang nangyayari sa'yo Hannah?" Mapait kong sambit at ramdam ko na naman ang pag iinit ng sulok ng aking mga mata, sa tuwing iniisip ang mga pangyayari na gusto ko ng kalimutan. Mga pangyayari na gusto ko ng ibaon sa limot. At mga pangyayari na nag bibigay sakit at kirot sa aking puso. Bakit gano'n? Ginawa ko naman ang lahat, pero bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit labi

