Chapter 57 MADDIE'S POV "Maddie?" Napa-anggat ako ng tingin ng marinig ko ang tinig ni Mommy. Naka tayo na pala siya sa harapan ko, na animo'y kanina niya pa ako pinag-mamasdan. "Ano po iyon?" Umayos ako ng pag kaka-upo. "Mag pahingga ka kaya muna?" Suhesyon nito. "Isang araw kana kasing nag babantay dito sa Hospital, kailangan mo na siguro mag pahingga muna anak.. Kami na lang ng Daddy mo muna ang mag babantay dito kay Liliam okay?" Malambing na tinig nito. "Maraming salamat na lang Mom, pero ayos lang po talaga ako.. Dito lang ako, hihintayin ko mag kamalay ang anak ko," "Sigurado ka ba anak? Nag aalala lang kami sa'yo nang Daddy mo, at baka ikaw na din ang ma-hospital sa ginagawa mong iyan eh," napa ngiti na lang ako sa sinabi niya. "Naiintindihan ko naman kayo Mom, pero gusto

