Chapter 45 HANNAH'S POV Nabinggi ako sa bilis ng mga nangyari at hindi ako makapaniwala na gagawin iyon sa'akin ni William. Bakit gano'n? Akala ko okay na kaming dalawa? Pero bakit bigla siyang nag bago? Naging malakas ang bulong-bulungan ng aking mga magulang at kabilang panig, na kahit sila hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Tila ba piniga ang puso ko sa sakit, na hindi ako maka hingga. Patuloy lamang lumalandas ang luha sa aking mga mata, at pakiramdam ko pinag taksilan niya ako. Nakita ko si Daddy, na ngayon naka tayo na at kay talim ang ginawaran niyang pag titig na animo'y hindi niya nagustuhan. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Binigo ko si Daddy. Binigyan ko siya ng problema at sama ng loob. Ilang taon ko ng iniingatan na maging mabuting anak sakaniya. Gusto ko din su

