[NIKA'S POV] - FIVE MONTHS LATER - "Wow anak! Ang ganda-ganda mo talaga." puri sa 'kin ni Nanay. "Si Nanay talaga nambola pa." sabi ko kay Nanay. Oo nga pala, sa loob ng limang buwan ay sobrang daming nangyari: Una, araw-araw akong nililigawan ni Stevie. Todo effort talaga siya sa panliligaw niya sa akin. Araw-araw niya akong binibigyan ng bulaklak. Araw-araw niya akong hinahatid at sinusundo. Tapos ay lagi niya akong hinaharana which is finds me super kilig dahil sa ganda ng boses niya at sa titig niyang nakakatunaw habang kinakantahan niya ako. At ito pa, lagi siyang nagpi-pick-up line na sobrang korni pero nakakakilig para sa akin. At minsan ay niyayaya niya akong mag-date kapag may oras kami. Oh diba? Todo effort talaga siyang manligaw sa akin. Pangalawa, lagi akong inaasar

