[NICO'S POV] Simula nang maging pormal kaming magkaibigan ni Stevie ay mas lalo ko pa siyang nakilala. May pagka-isip-bata rin siya eh. Minsan kasi ay nahuhuli ko siyang nanonood ng cartoons nang palihim sa phone niya. Akala ko nga ay porn ang pinapanood niya. Hahaha! Tapos ay napaka-gentleman din niya dahil lagi niya akong hinahatid papuntang DGUP at pauwi sa bahay ko. Habang mas lalo ko pa siyang nakikilala ay hindi ko naman mapigilang ma-fall sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi ma-i-inlove sa kanya? Maliban sa pogi siya ay napakabait din niya at maginoo... medyo bastos. Hahaha! Joke lang sa bastos. Siya yung tipong gagawin ka talaga niyang isang prinsesa. Prinsipe pala. Hindi mas magandang pakinggan ang prinsesa. Pero ang nakakalungkot lang ay wala siyang nararamdaman sa akin.

