Chapter 24 : Panginoong Zephyr Nathaniel's Point of View: "Tara na,Nathaniel. Huwag kang mag-alala at babalik din naman tayo dito." Sabi sa akin ni Mang Armando. Napatingin ako kay Jayson at nakita kong nakayuko siya. Hindi ako makapaniwala na ang itinuring kong kaibigan ay isa din pa lang traydor. Ano ba naman ang aasahan mo sa kanyang amang traydor? Sabi nga nila, like father like son! Napapikit na lang ako ng aking mga mata at hinarap si Mang Armando. Nakangisi siya sa akin at alam kong kahit tumanggi ako sa pagsama sa kanila ay pipilitin pa rin nila ako. Bumuntong hininga ako at tumayo sa kama. "Madali ka lang pala makakausap. Sana sinabi ko na lang sayo noon ang lahat para naiwasan pa sana ang labanan." Pailing iling niyang sambit. Hindi na lang ako nagsalita at naglakad palapit

