Chapter 29: Adulas Patakbo kaming apat na nagpatuloy para hanapin si Nathaniel. Kapansin pansin din na kahit halos nawasak na ang buong palasyo dahil sa labanan nina Armando at ama ay may mga daanan pa kaming tinatahak papunta kung saan. Doon ko napagtanto na ang lugar ng pinaglaban nina ama ay sa bungad pa lang ng palasyo. "Nathaniel!!!" Sigaw ko habang tumatakbo kami. Narinig ko pa ang pagbalik ng aking sigaw sa kabuoan ng lugar. Ilang saglit pa ay biglang nagkaroon ng mga liwanag mula sa dingding. Para bang itinuturo nito ang daan kung saan naming matatagpuan si Nathaniel. Nagkatinginan kaming apat at nagdesisyon na sundan ang mga ilaw. Walang kasiguraduhan pero kailangang sumugal. Ilang saglit pa ay napatigil kami dahil sa napakalaking harang na pintoan. Mas malaki ito kaysa sa un

