Chapter Four

2566 Words
MADALING ARAW NA ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Eros. Muling bumalik sa isip niya ang nakaraan. “Tay, saan ba tayo pupunta?” tanong ng limang taong gulang na si Maynard kay Jaime. Nasa harap sila ng isang mansyon dala ang dalawang malalaking maleta. “Sasama ka na sa akin sa trabaho ko,” nakangiting paliwanag ni Jaime at hinawakan sa kamay ang bata. “magpapakabait ka ha?” Kahit nalilito ay tumango si Maynard. Sanay na naman siya na palipat-lipat ng bahay na para bang laging may humahabol sa kanila. “Paano po si lola?” naalalang itanong ng bata. “H-hindi na babalik ang lola mo, Maynard,” bahagyang nalungkot ang boses ni Jaime. Kahapon ay inilibing ang ina niya na nag-aalaga kay Maynard dahil inatake ito sa puso. “Akala ko ba natutulog lang siya?” inosenteng sabi nito na lalong ikinalungkot ni Jaime. “Huwag na lang natin siyang gisingin para makapagpahinga na siya,” sabi na lang niya. Pinindot ni Jaime ang doorbell at kusang bumukas iyon. “Halika na, Maynard.” Halos malula si Maynard sa laki ng bago nilang bahay na dati ay sa t.v. niya lang nakikita. May malaking swimming pool pa at playground. Ipinakilala ni Jaime si Maynard sa may-ari ng bahay at naging magiliw naman ang mag-asawa sa kanya. Pero kahit tiwala siya sa mga ito, hindi nagawang sabihin ni Jaime sa mag-asawa kung sino ang tunay na ama ng bata. LALO NAMANG NALUNGKOT si Maynard nang lumipat sila dahil lagi namang nasa trabaho ang tatay niya at hindi siya pwedeng lumabas ng bahay. Hindi sila sa malaking bahay nakatira dahil magkakasama ang mga tauhan sa servant quarter. Malaki rin naman iyon at marami na siyang naging kaibigan. Iyon nga lang, puro matatanda. Wala man lang siyang kalaro. Wala rin ang lola niya para kwentuhan siya. “Ayan, tapos na nating libutin ang palasyo. Umuwi na tayo, mahal na prinsesa.” Isang batang babae ang naglalakad habang masayang kausap ang manika. Nakasuot ito ng pulang bestida at nakatirintas ang mahabang buhok. Kumakanta pa ito habang isinasayaw ang manika. Nakatuwaang panoorin ni Maynard ang bata habang nakasilip sa bintana. Siya namang paglingon nito at nakita siyang nakasilip. Mabilis niyang isinara ang kurtina. “Who are you?” mabilis itong lumapit sa bintana at kinatok iyon. “Come out.” Dahan-dahang sumilip si Maynard sa kurtina. Ngumiti naman ang bata at kumaway nang makita siya. Hindi nakatiis si Maynard at lumabas ng bahay. Hindi naman siguro masamang makipagkaibigan sa bata. “Hindi ko alam na may bata pala rito,” masayang sabi ng batang babae at hinawakan ang kamay niya. “Tara, laro tayo.” “B-baka magalit ang tatay ko,” takot na tanggi ni Maynard. “Sino ba ang tatay mo?” “Si tatay Jaime.” “Si mang Jaime?” natuwa ang bata sa narinig. “Mabait iyon. Hindi iyon magagalit.” Hinila na siya ng bata, “Come. Laro tayo sa playroom ko.” Wala nang nagawa si Maynard kung hindi sumama. GABI NA NANG ihatid si Maynard ng daddy ni Edel, ang bago niyang kalaro. Masaya siya dahil binigyan pa siya ng laruan ni Edel at pinakain din siya ng mga magulang nito bago umuwi. “Pasensya na, mang Jaime kung ginabi si Maynard,” magalang na sabi ni Quen. “Wala kasing kalaro ‘yung anak ko e. Ayaw pa siyang pauwiin.” “Wala iyon, Sir Quen,” tila nahihiyang sagot ng matanda. “Salamat din dahil mukha namang nalibang si Maynard.” Bahagyang tinapik ni Quen ang likod ni Jaime, “Huwag kang mag-alala. Hindi na siya masusundan dito.” Nakatingin lang si Maynard sa dalawa. Ano kayang ibig sabihin noon? Sino ang susunod sa kanya? “Saan mo nakuha iyan?” nagtatakang tanong ni Jaime nang makita ang hawak niyang puzzle. “Bigay po ni ate Edel. ‘Yung batang babae sa malaking bahay.” Napabuntong-hininga ang matanda, “huwag mong aawayin si Edel ha? Mabait na bata iyon. Isa pa, anak iyon ng amo natin.” Tumango si Maynard. “Mabait po si ate Edel,” masayang kwento ni Maynard. “Sabi niya isasama niya ako sa Pebble city. Doon sa may Ferris wheel. Gusto ko pong pumunta doon. Papayagan niyo naman ako, ‘di ba?” Hindi nakasagot si mang Jaime. “Itay…” untag ni Maynard. “Pasensya ka na, anak. Wala tayong pera. Tsaka nag-iipon tayo para sa pag-aaral mo. Alam mo naman iyon, hindi ba?” Kahit halatang nalungkot ay nakangiting tumango si Maynard, “Sige, ‘tay. Para makapag-aral na ako. Para maging driver din ako katulad mo. Tapos magtratrabaho din ako kila ate Edel.” Natawa naman ang matanda at ginulo ang buhok ni Maynard. Hindi niya maiwasang maawa rito. Kung nasa poder sana ito ng ama, mabibili nito lahat ng gusto. Kung hindi lang nasa panganib ang buhay nito, maipapasyal niya ito kahit sa malapit lang na perya. “Itay, pwede po ulit kaming maglaro ni ate Edel bukas?” Nakangiting tumango si Jaime, “Oo naman, anak. Papayagan kitang makipaglaro kay Edel.” Malungkot na pinagmasdan ni Jaime si Maynard habang masayang nilalaro ang puzzle. Kung alam lang ng ama nito kung gaano ito kaswerte sa pagkakaroon ng mabait na anak. Lumipas ang ilang buwan at lalong naging malapit sa isa’t isa si Maynard at Edel kaya nalibang din si Maynard kahit pa hindi pa rin siya ipinapasyal sa labas ni mang Jaime. GABI NOON AT kauuwi niya lang galing kila Edel pero wala pa rin ang ama. “Kumain ka na, Maynard. Baka mamaya pa darating si Mang Jaime,” aya ni Marlon kay Maynard na kanina pa nakasilip sa bintana, “sumabay ka na sa akin.” Si Marlon ay hardinero ng mga Altamirano. “Baka hindi pa kumakain ang itay,” sagot ni Maynard. Napangiti si Marlon na halatang natuwa sa bata, “Titiran na lang natin siya ng pagkain.” Kumakain na sila nang makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa pinto. “Baka ang itay na iyon,” nagmamadaling tumakbo si Maynard para buksan ang pinto. Nagulat siya dahil hindi naman si mang Jaime ang dumating. Bakit nandito ang mga magulang ni Edel? Umiiyak siyang niyakap ni Cecilia na lalo niyang ipinagtaka. “B-bakit po?” napatingin siya kay Quen na seryosong lang sa isang tabi. Kadalasan ay masayahin ito. “Sir, ma’am, ano pong nangyari?” lumapit si Marlon na halatang kinakabahan din. “Maynard,” lumuhod si Quen at hinaplos ang buhok niya. “ang itay mo…” Lalong napaiyak si Cecilia. “Wala na si mang Jaime.” “A-ano pong ibig niyong sabihin?” napaiyak na rin si Maynard kahit hindi niya masyadong maintindihan ang sinasabi ni Quen. “Nasaan na po si itay?” Malungkot na tiningnan ni Quen si Maynard, “hindi na siya babalik, anak. Nabangga ang sinasakyan niya kanina. Patay na si mang Jaime.” Doon unang nalaman ni Maynard ang tunay na kaluhugan ng kamatayan. Wala na ang itay niya. Katulad ng lola niya. Lagi na itong matutulog. Hindi na magigising. Hindi niya na makikita. Hindi niya na matandaan kung anong nangyari pagkatapos noon. Ang tanging naaalala niya ay nasa bahay siya nila Edel at nag-uusap ang mga magulang nito. Yakap siya ni Edel habang walang tigil sa pag-iyak. “Gusto mong uminom ng hot choco, Maynard?” tanong ni Edel, “Igagawa kita.” Umiling si Maynard at nagpatuloy lang sa pag-iyak. “Tahan na,” hinaplos ng batang babae ang buhok niya. “malulungkot si mang Jaime kapag nakita kang umiiyak.” “Iniwan na ako ng tatay ko, ate Edel,” sabi ni Maynard sa pagitan ng paghikbi. “Nandito pa naman ako,” nakangiting sabi ni Edel. “Pwede mo akong maging mommy.” Tumigil naman sa pag-iyak si Maynard. “Tahan na ha? Simula ngayon ako na ang mommy at sister mo. Tawagin mo akong momsy. Kaya huwag ka nang malulungkot ha?” Kahit umiiyak pa rin ay tumango si Maynard. Napatingin ang dalawang bata nang marinig ang pagtatalo ng mag-asawa. “Kailangan nating ipaalam sa mga kinauukulan ang nangyari sa kanya,” sabi ni Quen. “Natatakot ako na baka utusan nila tayong ibalik ang bata. Nakakaawa naman. Si Jaime lang ang kilala niyang kamag-anak,” katwiran ng asawa nito. “Makakasuhan tayo ng kidnapping kung kukunin natin siya nang walang paalam.” nag-aalalang sagot ni Quen. “Bakit hindi muna natin siya ibigay sa mga madre tapos tsaka natin siya ampunin?” “Alam mo, may kutob akong itinatago siya ni Jaime. Wala siyang kakilalang kapamilya maliban sa lola niya. Ayaw din siyang palabasin ng bahay. Paano kung nasa panganib pala ang buhay niya?” Hindi nakasagot si Quen. Nabanggit nga noon ni Mang Jaime na may gustong pumatay sa mga ito kaya humingi ng tulong sa kanya. Bakit nga ba hindi niya naisip iyon kaagad? “Quen, alam kong tapat ka sa tungkulin pero minsan kailangan mo ring gawin kung anong nararapat at hindi kung ano ang tama sa paningin ng batas. Let’s keep him, please? Madali lang naman siyang gawan ng pekeng papel.” Nagulat ang dalawa nang lumapit si Edel. “Sa atin na lang po si Maynard,” hiling nito. “Para may kapatid na ako.” “Edel, anak, hindi ganoon kadali iyon,” paliwanag ni Quen kay Edel. “Mahabang proseso ang kakailanganin. Hindi naman puppy si Maynard na pwede nating basta na lang ampunin.” “Sige na, daddy.” pangungulit ni Edel. “Dito na lang siya sa atin. Magpapakabait po ako basta sa atin na titira si Maynard.” “Edel, gusto ko ring dito tumira si Maynard pero baka hanapin siya ng mga magulang niya. Isa pa, magkakaroon ka naman ng mga kapatid. Buntis ang mommy mo ngayon at kambal pa.” “Ayoko nyan,” nagsimula nang umiyak si Edel. “Gusto ko si Maynard.” Lumapit si Cecilia at niyakap si Edel. “Gusto ko ring maging anak si Maynard. Okay lang ba na gawin nating kwarto niya pansamantala‘yung playroom mo? Magpapagawa na lang tayo ng mas malaki?” Tuwang-tuwa si Edel nang yakapin ang ina, “Opo, mommy. Thank you po dahil pumayag kang maging kapatid ko si Maynard.” Napailing na lang si Quen at lumapit kay Maynard na tahimik lang na nakikinig. Ipinatong ni Quen ang mga kamay sa balikat ng naguguluhan pa ring bata. “Maynard, dahil wala na si mang Jaime, ako na ang magiging papa mo.” “Simula ngayon, dito ka na rin titira at kami na ang magiging pamilya mo,” nakangiting sabi naman ni Cecilia. “EDEL…” TAWAG NI Hyde sa babae, “You’re a great leader. You’re Blacksmith’s greatest asset. Alam mong malaking kawalan kapag nawala ka sa grupo. Let’s start again. I will make you my sole assistant and give you access to information na hawak ko.” Pokerface lang na nakatingin si Edel sa dalawang lalaking kaharap. “Edel, this is our chance to live a peaceful life,” sabi ni Eros. Bago makasagot si Edel ay nagpaputok ang mga pulis at kung hindi sila nakailag ay siguradong tinamaan na sila. “You’re a true blooded Blacksmith,” sabi ulit ni Hyde, “huwag mong hayaang mawala sa’yo lahat ng pinaghirapan mo.” Nagulat na lang si Eros nang barilin siya ni Edel. Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Eros at galit na nilagok ang bote ng whiskey na nasa side table. Hinding-hindi siya papayag na masira ang plano niya. He should forget whatever feelings he has for her. Dapat niyang itatak sa isip niya na hindi na ito ang mabait na batang nakilala niya. SA KABILANG KWARTO ay hindi rin dinadalaw ng antok si Edel. Hindi mawala sa isip niya ang reaksyon ni Eros kanina nang makita si Shaina at Sorell. Halatang nasasaktan ito habang pinagmamasdan ang dalawa. He’s still young. Tama ang kutob niya. Someday, magbabago rin ang nararamdaman nito. And she was right. Dahil dumating na ang pagkakataong iyon. Alam niyang mahal na mahal nito si Shaina dahil handa itong ibuwis kahit sariling buhay para sa babae. At hindi rin ito nagdalawang-isip na iligtas si Shaina at hayaang mamatay ang sarili nitong kapatid. Hindi namalayan ni Edel na naglalakbay na pala ang isip niya sa nakaraan. Isang masakit na alaala na ayaw niya nang balikan. “Bakit kailangang isama niyo ang dalawa?” galit na tanong ni Eros. “Because I want to,” nakangising sagot ni Hyde at kunwari’y nag-isip. “Pero gusto ko rin namang gantihan ang mga naiambag mo sa grupo. I’ll give you a chance to think about this decision carefully. Ikukulong muna kita at pahihirapan hanggang sa magbago ang isip mo at the more the merrier kaya isasama ko ang love ones mo.” Galit na galit si Eros na minura si Hyde pero balewala lang iyon sa lalaki. “But since mabait talaga ako, Eros, alam mo naman iyon, you can save one of them,” seryosong sabi ni Hyde. “Mamili ka kung sino ang papakawalan ko. Si girlfriend o si Ate?” Hindi nakasagot si Eros. He looked at them at halatang nalito. “Sagot!” utos ni Hyde at pinalo ng baril si Eros. “Bilisan mo at baka magbago ang isip ko.” Napayuko si Eros. Hindi niya kayang tumingin nang deretso kay Edel at Shaina. Napatingin ang lahat kay Xander nang lumapit ito kay Hyde. “Hyde, mabuti pa siguro, ikaw na ang mamili. Hindi pwedeng pakawalan si Edel dahil siguradong babalikan tayo nyan…” “P-pakawalan niyo si Shaina,” mahinang sabi ni Eros. Malakas na halakhak ang nag echo sa buong warehouse mula kay Hyde habang tahimik ang lahat. “Ouch, Edel,” nanunuya itong lumapit sa babae, “mas pinili ng kapatid mo si girlfriend. Tama si Xander. Ikaw na lang sana ang iniligtas niya at baka pwede pang madugtungan ang buhay niya dahil for sure, babalik ka para iligtas siya like you always do. Ilang beses mo na ring itinaya ang buhay mo para lang iligtas ang buhay niya pero mas pinili pa rin niya ang kasiguraduhan na maliligtas ang girlfriend niya.” Hindi kumibo ang babae at nakatingin lang sa malayo. “’Yan ang napapala kapag puso ang pinapairal. Nagiging traydor at sa huli, tinatraydor,” sarkastikong sabi ni Hyde. “Gusto pa sana kitang bigyan ng pagkakataon pero natatakot akong traydurin mo ulit.” “Walanghiya ka talaga, Hyde!” sigaw ni Eros, “Pagbabayaran mo ito!” “Walanghiya pa ako?” natawa si Hyde. “pinagbigyan na nga kita.” Binalingan ni Hyde ang mga tauhan, “Sige na, pakawalan niyo na ‘yan.” “Eros,” umiiyak na tawag ni Shaina sa lalaki. Kapag nakawala siya, hihingi siya ng tulong para isalba ang lalaki at si Edel. “Let me talk to her first,” hiling ni Eros. “Gusto pa ng goodbye kiss?” pagak na nagtawa si Hyde. “Sige na nga, one minute.” Tumakbo si Shaina papunta sa nakagapos na lalaki. “Eros, I’m sorry.” “It’s okay, Shaina,” ngumiti si Eros. “Tumakas ka na at huwag mo na kaming intindihin. Pasensya ka na at nadamay ka pa. This is the reason kaya kinailangan kong lumayo. I told you, you’re better off without me. Ngayon alam mo na. Don’t be guilty sa nangyari. You don’t deserve to be here.” “Eros…” “Go,” utos ni Eros. “Don’t look back. Start a new beginning na parang hindi tayo nagkakilala. Hindi na ako makakabalik sa buhay mo gaya ng ipinangako ko noon. Isipin mo na lang kapag naaalala mo ako, kaya mahal na mahal ka ni Sorell dahil kasama doon ang pagmamahal ko sa’yo.” Mapait na natawa si Edel. Hindi siya dapat masaktan dahil siya mismo ang nagdesisyon na palayuin ito. Hindi niya lang inaasahan na lalayo nga ito at makakahanap ng babaeng mamahalin nito nang higit pa sa pagmamahal na ibinigay sa kanya noon. Mabuti na lang at hindi nalaman nang kahit na sino ang tungkol sa kanila dahil siguradong siya ang maiiwan sa ere. Naalala niya tuloy ang paborito niyang horror movie. The guy was about to leave the other girl because he found someone new. Someone that brought the light in his life. Kaya sa huli ay pinatay ng kontrabida ang lalaki kahit pa mahal na mahal niya ito. Hindi niya maiwasang ikumpara ang kwentong iyon sa kanila ni Eros. Shaina was the light in Eros life. Ang nagparamdam dito na maaari pa itong magbagong buhay. Siya naman ang bad influence. The one who propelled him into darkness. Eros is better off with Shaina. Sayang nga lang at naghiwalay ang dalawa. Siya tuloy ang pinag-iinitan ng walanghiyang lalaking ngayon. Matutulog na sana siya nang maalala si Axel. Ang boyfriend niya for four months na mas bata sa kanya. Hindi niya pa pala nakakausap ang lalaki. Kailangan niyang mapuntahan ito kung hindi ay baka hiwalayan siya. Paano kaya siya makakatakas kay Eros? Seryoso naman siya kay Axel kahit pa hindi niya masyadong maramdaman na mahal niya na nga ang lalaki. Axel reminds her of Eros nung sixteen years old pa lang ito at patay na patay sa kanya. That sweet Eros na gagawin ang lahat huwag lang siyang mawala. Humiga na si Edel at ipinikit ang mga mata. Kailangan niyang makagawa ng paraan agad para makatakas dito at baka tuluyan na siyang mahulog sa patibong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD