SA VIP AREA ng isang sikat na casino nakatambay ang mga opisyal ng Blacksmith. Pokerface na nakatingin sa mga baraha si Hyde pero ang totoo ay kinakabahan siya. Fifty million ang naitaya niya. Siguradong pagagalitan siya ng nasa itaas dahil pera ng Blacksmith ang gagamitin niya kapag natalo.
Napapikit ang lalaki nang nakangiting ibinaba ng kaharap ang mga baraha. Talo na naman siya. Bakit ba kasi nagkataon pang ito ang kalaro niya? Bigla na lang umupo sa harap niya ang maangas na lalaki at naghamon ng laban. Sana pala tinanggihan niya na lang.
Napailing si Edel at lihim na natawa. Alam niya na ang tumatakbo sa isip ni Hyde. Alam niyang kinakabahan na ito dahil malaki ang natatalong pera na alam niyang galing sa pondo ng Blacksmith. Pero hindi ito aamin dahil masyado itong ma-pride at hindi basta-basta nagpapatalo.
“Almost eighty million na ang natatalo sa’yo, Hyde,” bulong naman ni Xander. “Umalis na tayo.”
Hindi pa rin tumatayo si Hyde at ngumisi lang.
“Ano? Kaya mo pa?” nakangisi ring tanong ng lalaking kaharap.
“Name your price,” mayabang na sabi ni Hyde.
Nakita niyang may kausap ang katabi nitong lalaki sa cellphone bago bumulong sa kalaro ni Hyde.
Ngumiti naman ito sa kanya pagkatapos tanggapin ang mensahe ng big boss, “Forty million at isang brand new townhouse.”
“Call.”
Binalasa na ulit ng dealer ang baraha. Wala pang ilang minuto ay nagsimula ulit ang game.
Kung minamalas nga naman.
Nakangiti uling nagbaba ng baraha ang kalaro ni Hyde na sa tingin niya ay nasa edad kwarenta na pero matikas pa rin ang pangangatawan.
Napabuntong-hininga si Hyde pero pinilit pa ring maging kalmado sa harap ng mga tao. Hindi siya pwedeng mapahiya.
“To tell you the truth, wala akong ganoong kalaking pera para ibayad sa’yo.”
Napuno ng bulungan ang mesa.
Napangisi si Edel. Sabi na nga ba.
“Bakit ka pa nakipaglaro? Sinayang mo lang ang oras namin. Kailangang malaman ito ng management ng Casino,” naiinis na bulyaw ng isa sa mga kasamahan ng lalaking kalaro.
“But I could give you something worth more than that,” makahulugang ngumiti si Hyde.
“Ano iyon?”
Tumingin muna si Hyde kay Edel bago sumagot, “You can have her.”
Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Edel kay Hyde at walang pakialam sa paligid na minura ito, “What’s the meaning of this?”
Natawa naman ang kalaro ni Hyde, “Anong akala mo sa’kin, dirty old man? I’m married and loyal to my wife. I don’t need her. Pera ang kailangan namin.”
Napailing si Hyde, “Siya lang ang pwede kong ipambayad, e. Baka kailangan mo ng katulong sa bahay.”
“Hayop ka, Hyde,” galit na sigaw ni Edel. Dahil private room iyon ay walang tao maliban sa kanila.
Lumapit ang isang kasamahan ng lalaki at muling bumulong sa kalaro ni Hyde. Seryoso itong tumango at maya-maya ay tumingin sa kanya.
“My boss is interested,” tumayo na ang lalaki at inayos ang sarili. “We’ll take her.”
“No!” galit na tumayo si Edel at nagtangkang tumakas pero pinigilan siya ng mga kasama.
“Walanghiya ka, Hyde. Pagbabayaran mo ito.”
“Nice game,” nakangising sabi ng matanda at inilahad ang kanang palad kay Hyde. “Next time ulit, baka mabawi mo ang babae mo.”
Nagkamay ang dalawa.
“I’m Edgar Buenavista,” pakilala ng lalaki.
“Hyde Go,” natatawang pakilala rin ni Hyde. “Sa’yo muna si Edel. Tsaka ko na babawiin.”
Nagpupuyos ang loob ni Edel nang hilahin siya ng mga kasama ni Mr. Buenavista. Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ni Hyde.
Natatawang napailing naman si Xander at tinapik sa balikat ang leader ng Blacksmith, “Iba ka talaga, Hyde. Bilib din ako sa pagiging maparaan mo.”
“It’s a good opportunity to get rid of her,” seryosong sabi ni Hyde at isang matalim na tingin ang ipinukol sa automatic door na nilabasan ni Edel. “After what happened, I don't think I could trust her again.”
SA ISANG MALAKING condo unit siya dinala ng mga lalaki. Halatang mayaman ang may-ari ng condong iyon dahil tatlong palapag ang condo at may uniformed maids. May sarili pang pool sa loob. Nagpupumiglas siyang isinama ng mga ito sa loob ng condo at tinutukan ng baril nang ayaw niyang tumahimik.
Maya-maya ay nakatanggap ng tawag ang isa sa mga lalaki at tumango kay Edgar. Nasa harap na sila ng isang kwarto na walang door knob ang pinto.
“Our boss wants to see you,” pormal na sabi ng lalaki.
“I don’t want to talk to him…”
Napaigik si Edel nang kaladkarin siya ni Edgar papunta sa harap ng saradong pinto.
“We need to go,” utos nito sa mga kasama.
Walang paalam na umalis ang mga ito at iniwan siya sa loob ng condo.
Imbes na kumatok sa kwarto, tumakbo si Edel papunta sa pintong nilabasan nila Edgar pero naka-lock iyon. Sinubukan niyang gamitin ang cellphone pero walang signal. Talagang mananagot sa kanya ang Hyde na iyon.
Nagulat siya nang bumukas ang automatic door ng kwarto pero walang lumabas na tao. Wala na siyang nagawa kung hindi puntahan ang boss na sinasabi ng mga ito. Dahan-dahan siyang nagtungo sa loob ng kwarto na isa pa lang opisina at tila namanhid nang umikot ang swivel chair at humarap ang boss na tinatawag ng mga ito.
“What’s up, Ate?” nakangising tanong ni Eros.
"SURPRISED?" SARKASTIKONG TANONG ni Eros nang hindi pa rin nagsasalita si Edel at tahimik lang na nakatingin sa kanya. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit dito.
"I need to go," sabi ni Edel at akmang tatalikuran siya ngunit mabilis niya itong pinigilan.
"And where do you think you're going?"
Sinubukang bawiin ng babae ang braso nito pero lalong humigpit ang pagkakahawak ni Eros.
"Bitiwan mo ako," nanggigigil na sabi ni Edel.
"Baka nakakalimutan mong ipinambayad ka sa'kin ni Hyde."
Hindi nakasagot si Edel kaya lalong ginanahang mang-asar si Eros.
"Anong pakiramdam ng traydurin ng mga kasamahang pinagsilbihan mo nang buong katapatan at pati sarili mong kapatid nagawa mong saktan para lang patunayang tapat ka?" galit na tanong ni Eros. "Masakit, 'di ba? Grabe, ipambabayad ka lang dahil natalo sa sugal. Ganoon ka kahalaga sa kanila."
"Are you done?" kaswal lang na tanong ni Edel na tila balewala ang mga sinabi nito. "Let me go."
Napailing si Eros at natawa, "You're not going anywhere. From now on, ako na ang bago mong boss."
"You wish."
Napaigik si Edel nang lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya at lihim siyang natakot sa nakitang galit sa mga mata nito.
"Believe rin ako sa tapang mo pero huwag mo akong gagalitin," banta ni Eros. "Handa akong ibenta ang kaluluwa ko kay Lucifer makaganti lang sa grupong 'yan. Kaya kung gusto mo pang mabuhay, huwag kang aangas-angas. Tandaan mong hindi tayo magkadugo."
Napabuntong-hininga si Edel. Nagtataka siya kung kanino ang bahay na ito at kung sino ang tao sa likod ng bagong katayuan ni Eros. Siguradong hindi legal ang business ng taong iyon sa sobrang yaman nito. Baka lalo lang mapahamak si Eros.
"Eros, I saved you para makapagbagong-buhay. Ano na naman itong ginagawa mo?" nag-aalalang tanong niya.
"Wala akong balak magbagong-buhay," binitiwan na ni Eros ang kamay niya. "No second chance for Blacksmith. Sisiguraduhin kong papataubin ko ang grupong iyon at magsisimula ako sa'yo."
"Eros..."
"Master," malamig ang tinig na sabi ni Eros. "From now on, iyan na ang itatawag mo sa'kin."
Tinalikuran na siya ng lalaki at papasok sana ito sa isa pang pintong naroon nang marinig na tumunog ang doorbell. Lumapit si Eros sa malaking desktop screen at nakita nito kung sino ang taong kumakatok. May pinindot ito sa remote control na nasa tabi ng desktop at tahimik na ininom ang natirang kape habang nakatayo pa rin si Edel at hindi alam ang gagawin.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na nakasuot ng fitted skirt at halter blouse. Halatang sosyal ang babae at parang pamilyar ang mukha nito. Sigurado siyang nakikita niya ito sa university campus. Bagong girlfriend ba ito ni Eros?
"Honey," malambing na lumapit ang babae at kumandong kay Eros.
Para namang naging maamong tupa ang lalaki sa harap ng bagong dating taliwas sa mabangis na leon na awra nito kanina habang kausap si Edel. Walang pakialam na naghalikan ang dalawa habang nakatayo pa rin siyang nanonood.
Nagulat na lang siya nang hubarin ni Eros ang suot nitong polo.
"Honey," narinig niyang tawag ng babae kay Eros. "Your sister is still here."
Tila doon lang naalala ni Eros na hindi pa pala siya pinapaalis nito.
"Oh, right," napakamot sa batok ang lalaki at natawa. Pinindot ulit nito ang remote control at muling bumukas ang pinto.
"Nasa third floor ang mga kwarto," kaswal na sabi ni Eros kay Edel. "Mamili ka na lang ng kwarto mo."
"Hindi ako titira rito, Eros," galit na sabi ni Edel pero hindi na siya narinig ng mga ito dahil ipinagpatuloy na ang ginagawa.
Inis na inis na umalis si Edel. Mga haliparot.
Bahagya lang sinulyapan ni Eros si Edel bago ito lumabas at lihim na napangiti. Hindi naman napansin ng babaeng kasama niya ang tensyon na namagitan sa magkapatid.
"I love you, Eros," malambing na sabi ni Cattleya.
Hindi na sumagot si Eros at muling hinalikan ang babae. Pero sa isip niya ay naglalaro ang mga plano. Ito na ang simula nang pagpapabagsak niya sa Blacksmith.