GUTOM NA GUTOM na si Edel pero pinipigilan niya ang sariling lumabas ng kwarto. Mas mabuti pang mamatay na lang siya kay sa magkita sila ni Eros. Pero dahil buong araw siyang hindi kumain kahapon ay hindi na nakatiis si Edel at palihim na pumuslit sa kusina. Swerte lang at walang tao roon at may natira pang French toast. Babalik na sana siya sa kwarto nang marinig ang isang tinig. Muntik na siyang mapalundag at mabitawan ang hawak na kape nang makita si Eros sa likod niya. “Akala ko hindi ka na lalabas,” nakangising sabi nito. Nahigit ni Edel ang paghinga. Hindi ba giniginaw ang lalaking ito at nakuha pang mag topless kahit sobrang lamig sa loob ng bahay dahil bukas ang aircon? “Sa kwarto na ako kakain,” paalam ni Edel pero pinigilan siya nito. “Hindi ba sabi ni mommy’t daddy, dapat ig

