TATUM'S POV Nakanguso lang ako habang nakayakap sa unan. E pa'no, no choice na ako dahil nasa loob na ako ng bahay nila Ivana. Gusto ko pa rin umuwi pero dahil nandito na ako, kakapalan ko na ang mukha ko. 'Di ko rin kasi matagalan ang lamig sa labas, at isa pa... ayokong iwan lang silang dalawa sa tahimik na bahay na'to. "Wala kayong katulong?" tanong ko kay Ivana at tinanggap ang hot chocolate na iniabot niya sa akin. Naupo naman siya sa aking tabi at sa katapang naming sofa si Toose na nakamasid sa amin. "Isinama ni Mom at Dad, kailangan kasi," tugon naman ni Ivana na tinanguan ko na lang at uminom sa aking hot chocolate. Habang ginagawa ko iyon ay dumapo ang mga mata ko kay Toose. Diretso siyang nakatingin sa akin at walang emosyon ang mukha. Ang hirap niya talagang basahin. "Tatum

