TOOSE'S POV Kinatok ko ang pintuan ng kwarto ni Tatum. "Hoy! Buksan mo nga 'to!" sigaw ko at muli na namang kumatok. Tsk. Kanina pa ako nandito pero hindi niya ako pinagbubuksan o sinasagot man lang. "Hindi ka ba sasama?" untag ko at muling kinatok ang pinto. Bakit ba ayaw niya akong sagutin o pagbuksan man lang? Dahil ba sa ginawa kong paghalik sa kaniya kanina kaya naiilang siya? Tumikhim ako at suminghap. Maalala ko pa lang 'yun ay nababaliw na ako. Muli kong tinignan ang pinto. Hayaan na nga. Naglakad na ako pababa ng hagdan at napatingin sa aking wrist watch. s**t! Male-late na ako! "Toose, nakita mo ba si Peewee?" tanong pa sa akin ni Yaya Brit habang nagmamadali akong naglalakad pababa ng hagdan. Kulang na nga lang ay gumulong-gulong na lang ako roon para mapabilis ang pagbaba

