TATUM'S POV Dahil balik eskwela na ako ay itinuloy ko na rin ang parusa kong hindi natapos. Abala ang lahat sa paghahanda sa nalalapit na kompetisyon subalit heto ako't abala naman sa ibang bagay, tulad ng paglilinis. "Mang Jun, hindi niyo po ba talaga alam ang dahilan kung bakit nabigyan ng parusa si Toose noong wala ako?" tanong ko sa janitor ng aming eskwelahan, habang nagtutulungan kami sa paglilinis ng auditorium. "Hindi ko talaga alam. Wala akong nabalitaang nangyaring nasangkot ang pangalan niya, kaya nagulat ako ng makita nalang siyang naglilinis mag-isa," sagot naman ni Mang Jun na ipinagtaka ko. Imposible namang magkukusang loob si Toose upang maglinis dahil hindi niya iyon ugali. Napakatamad niya kayang tao. Kung gulo naman...hindi naman siya umuwi nang may pasa ang mukha, o

