CHAPTER 34: Titus Mendeleev

1659 Words

TATUM'S POV Para sa dalawang araw at tatlong gabi kong pananatili sa bahay ni Tito Aaron ay pansin ko naman na bumubuti na ang pakiramdam ko. Hindi na gaanong sumasakit ang ulo ko dahil sa tamang oras na pag-inom ko ng gamot. Ang kaso nga lang ay nagiging makakalimutin ako. "Tito Aaron, alam mo ba kung nasaan 'yung suklay ko? Hawak ko lang 'yun kanina e," hindi mapakali kong hayag habang kulang na lang ay itaob ko na ang mga sofa at couch para lang mahanap ang suklay ko. Napansin ko sa aking likuran si Tito Aaron at naramdaman kong may kinuha siya sa aking buhok, dahilan upang lingunin ko siya. "Here," aniya at iniabot sa akin ang suklay. Mukhang nakalimutan ko lang 'yun na nasa sarili kong buhok. "Ah, salamat po, Tito," anas ko at kinuha iyon sabay muling isinuklay sa aking buhok.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD