TATUM'S POV Tumingin ako sa palibot ng bahay. Napakatahimik, sobrang tahimik sa bahay na'to. Sakto lang ang laki at lawak ng bahay para sa tatlong tao, pero kung iisipin na mag-isa lang si Tito Aaron dito? Malawak na 'to. Inunahan akong pumasok ni Tito Aaron, bitbit niya ang gamit ko, at sinundan naman siya ni Peewee. Dinala niya iyon sa sala at inilapag sa couch ang bag ko. Naglakad naman ako palapit sa kaniya habang pinagmamasdan pa rin ang paligid. Walang kalitra-litrato, puro paintings lang. "Tito Aaron, bakit mas pinili mong manirahan ng nakabukod sa amin? Dalawa namang bakanteng kwarto sa bahay. Mas maganda 'yun kaysa nagtitiyaga kang mag-isa dito. At isa pa, mas maaasikaso ka doon dahil meron si Yaya Brit at Manang Lou," hayag ko at naupo sa sofa na pang isahan. Agad namang pumun

