Chapter 46 Zai POV MULA sa labas naririnig ko ang boses ni Zane na tinatawag ang pangalan ko. Nakasubsob ang mukha ko ngayon sa unan at nagkulong dito sa maliit na kwarto. Nahihiya akong harapin siya masyado akong naging judgemental. Maalis ba niya sa akin ang magkaroon ng mga pagdududa? At ang manibugho ng ganito? Nahihirapan akong ibigay ang buong tiwala ko sa kanya pero sinisikapan kong mawala ang agam–agam ko. Kaya siguro ganito ako. Nakakarinig ako ng mga yabag niyang palapit sa kwarto. Napahugot ako ng hininga. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung paano siya haharapin. I heard him sighed so heavily. Napatayo ako sa pagkasubsob sa unan. Subalit hindi ako lumingon. Naramdaman ko ang mga yabag niyang papalapit sa akin at huminto sa mismong tapat ko. "Umalis ka muna, Zane , please..

