Chapter 44 Zai POV ANG sumusunod na araw ay naging masaya para kay Yuan at Yana. Makikita sa mukha ng aking mga anak ang kasiyahan. Araw–araw si Zane ang sumusundo sa kanila sa eskwela. Kapag walang pasok ay pinapasyal niya ang mga bata kahit saan gusto ng mga ito. Walang hiniling ang mga bata na hindi niya binigay. At nakikita ko kung gaano kapanatag ang kalooban nang kambal sa kanilang ama. Nakikita ko rin ang mga effort na pambawi ni Zane sa kanyang mga anak. Natutuwa ako at hindi ako mahihirapan kung ipagtatapat ko na ang totoo sa kanila. Sa mga nagdaang araw ay wala na akong mahihiling pa sa relasyon namin ni Zane--- bilang magkaibigan. Magkaibigan? Napaisip ako doon, may magkaibigan bang kulang na lang oras–oras maghahalikan. Matitigil lang siya sa paghalik sa akin kapag daratin

