Astrid's Pov
Pag uwi namin sa mansion ay nag pahinga na muna ako sa kwarto ko. Unang araw palang ng pagiging college student ay nakakapagod na. Wala pa naman kaming mabigat na ginagawa, napagod lang ako sa sitwasyon namin ni Kervin.
Unang araw palang namin sa Almodians ay sikat na sikat na agad si Kervin sa mga kababaihan. Anong magagawa ko, napaka gwapo naman talaga ni Kervin lalo na ngayon at mas maganda na ang pangangatawan nito kesa nung unang beses ko syang makilala. Hindi ko naman sya pwedeng ipag tabuyan dahil simula ng dumating ako sa mansion ay nangako na ito sakin na poprotektahan nya ako. Hindi ko naman akalain na sa ganitong paraan.
*Tok*tok*
"Miss Astrid, papasok po ako." Saad nito kaya hinayaan ko na itong pumasok sa silid ko. Nakahiga ako sa kama ko habang nakayakap sa unan.
"Okey ka lang ba?" Pag aalalang tanong nito at naupo sa gilid ng kama ko. Noong bata ako, kapag hindi ako makatulog, tumatabi ito sakin. Kwenekwentohan nya ako ng mga bed time stories. Para talaga syang big brother umasta sakin, minsan parang Daddy at Minsan parang Mommy na din, all in one kung baga. Alam ko naman na ginagawa nya lang yun dahil yun ang trabaho na inatas sa kanya ni Lolo. Ang pinakang gusto kong ginagawa nito sakin ay yung yakapin ako nito hanggang sa makatulog ako.
Pero ngayong ganap na dalaga na ako, nag karoon na ng gap saming dalawa. Simula ng maging teenager ako, hindi na ito natutulog sa kwarto ko. Parang gusto ko nalang tuloy bumalik sa pagiging bata. Alam ko naman na binigyan nya na ng limitation ang sarili nya sakin dahil ganap na akong dalaga. Pero parang gusto ko nalang na maging little sister nya.
Umupo ako at humarap dito.
"Siguro naman ay okey na sa inyo ni Lolo na mag boyfriend ako. Nasa tamang edad naman na ako diba?" Tanong ko dito, ngumiti ito sakin at tumango.
Hindi ko inaasahan na papayag sya ng ganun ganun lang dahil alam kong overprotective sya sakin. Nung highschool ako, one time ay may lakas loob na may manligaw sakin. Isang beses lang itong nag tapat sakin pero sumunod na araw ay umiwas na ito sakin. Kahit hindi ko tanungin si Kervin ay alam kong may ginawa sya dito upang iwasan ako nito.
"Talagang malaki kana Astrid, hindi na kita mapipigilan pa sa mga nais mo." Saad nito at pinatong nito ang kanang kamay nya sa ulo ko. Para akong aso na nilalambing nito gamit ang pag himas nito sa ulo ko.
"Ikaw Kervin, bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa din nag aasawa? Bakit inuubos mo ang panahon mo sakin?" Diretsong tanong ko dito.
"Matagal na akong nag asawa Miss Astrid." Saad nito kaya napakunot ang noo ko.
"B-bakit hindi mo manlang sinasabi sakin?" Nauutal na tanong ko dito.
"Simula nung dumating ka sa Mansion, at nung araw na pinangako ko sayo na hindi kita iiwan at poprotektahan kita hanggang sa aking makakaya. Para sakin, ang trabaho ko ang asawa ko, ang panatilihing ligtas ka Miss Astrid." Saad nito kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na yakapin ito.
"Baliw kana talaga, hindi mo kailangang gawin to Kervin. Malaki na ako ngayon at kaya ko na ang sarili ko. Hindi mo kailangang ikulong ang sarili mo dahil sa pinatong na obligasyon sayo ng Lolo ko. Paano naman ang happiness mo? Alam kong may mga pangangailangan ka din. Huwag mo na akong alalahanin, kaya ko na ang sarili ko." Saad ko dito habang pilit na pinipigilan ang aking luha.
Gustong gusto ko ng sabihin sa kanya na gusto ko sya, pero natatakot ako sa magiging reaksyon nya na baka hindi kami parehas ng nararamdaman para sa isa't isa.
Humiwalay ako sa pag yakap dito. Titig na titig naman ito sa mga mata ko na para bang may nais itong sabihin sakin pero hindi nya magawa.
"You are my happiness, at hihintayin kita hanggang sa pwede na." Saad nito at hinalikan ang noo ko bago sya umalis.
Naiwan akong tulala sa kwarto ko dahil hindi ko ma gets ang sinabi nya. Ako daw ang happiness nya at mag hihintay sya hanggang sa pwede na. Anong pwede na? Anong ibig nyang sabihin sa salitang yun?
Bago mag 7pm ay sinundo na ako ni Estoy sa kwarto ko para sa dinner namin.
"Aalis kami nila Estoy, kaya si Kervin na muna ang bahala sayo apo. May aasikasuhin lang kami kaya matulog ka ng maaga dahil may pasok ka pa bukas." Saad ni Lolo after nitong kumain. Hinalikan pa ako nito sa noo bago sya umalis.
Hinatid naman ako ni Kervin sa kwarto ko para masigurado nito na matutulog na talaga ako. Sa pag higa ko ay inayos pa nito ang kumot ko. Aalis na sana ito ng bigla akong mag salita.
"A-anong ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina?" Tanong ko dito kaya muli itong humarap sakin. Hindi ko mabasa ang mga mata nya.
"Wala yun Miss Astrid, matulog kana at mag pahinga dahil maaga pa tayo bukas." Saad nito, pero bago ito lumabas ay lumapit ito sakin at hinalikan ang noo ko.
Bakit hindi ko gusto ang mga ikinikilos nito. Para bang may inaasahan ako na ibang gawin ito sakin pero sa huli ay nabibigo lang ako. Dapat ko na ata talagang pigilan itong nararamdaman ko sa kanya dahil hindi na ito tama. Nag e-expect ako ng higit pa dito, kahit na alam kong hindi naman kami parehas ng nararamdaman para sa isa't isa.
**Kervin's Pov**
Hindi ko akalain na aabot ako sa ganito. Simula ng mag dalaga si Astrid ay lumabas na ang tunay na ganda nito. Noong bata palang sya ay maganda na talaga ito. Wala naman akong ibang intensyon dito kundi ang bantayan at alagaan ito na parang tunay na kapatid. Pero habang nag dadalaga ito ay iba na ang nararamdaman ko sa kanya. Lalo na ngayon at 18 na sya, mas lalong gumanda ang hubog ng katawan nito kaya naman grabe ang pag pipigil ko sa sarili ko upang hindi masira ang pag tingin nito sakin. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ko itatago sa kanya itong nararamdaman ko?
Bumalik na ako ng kwarto ko, dumiretso ako ng banyo upang mag shower. Hindi tama itong nararamdaman ko kay Astrid dahil parang kuya nya na ako. Simula ng dumating sya dito sa mansion ako na ang nakasama nito. Mas marami pa nga kaming oras sa isa't isa kesa sa Lolo nya. Pinag katiwala sakin ni Master Jacinto ang apo nyang si Astrid kaya ayukong masira ang tiwala nito sakin kapag may ginawa akong di kanais nais sa apo nya. Pero paano nalang itong nararamdaman ko para kay Astrid?
Pag labas ko ng banyo ay nagulat ako ng makita si Astrid na nakaupo sa gilid ng kama ko.
"Miss Astrid, a-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito, pag lingon nito sakin ay agad itong tumalikod. Dali-dali naman akong kumuha ng t-shirt dahil naka topless nga lang pala ako.
"S-sorry, maari ka ng tumingin." Saad ko dito kaya naman humarap na ito sakin.
"H-hindi ako makatulog Kervin, pwede bang dito muna ako sa kwarto mo hanggang sa makatulog ako?" Tanong nito kaya naman hinila ko ito pa higa sa kama at niyakap ito. Nakasobsob ito sa dibdib ko habang yakap nya ang sarili nya. Na miss ko yung ganito kami, simula kasi ng tumungtong ito sa highschool at mag simula na ang pag dadalaga nya ay iniwasan ko na yung maging ganito kami ka lapit sa isa't isa. Hindi na kasi maganda tingnan kong matutulog kaming dalawa sa iisang kama. Baka kasi matukso ako at kung ano pa ang magawa ko sa kanya.
Habang tahimik itong natutulog sa bisig ko ay dahan dahan kong sinusuklay ang itim na itim at mahabang buhok nito. Bagay na bagay sa kanya ang mahaba nyang buhok. Napaka ganda din ng mata nito dahil sa makapal at mahaba nyang pilik mata. Talagang lumaking napakagandang dalaga ni Astrid. Kaya naman ganun nalang kung proteksyonan ko ito sa mga lalaking nag tatangkang manligaw sa kanya. Karamihan sa kanila ay gusto lamang angkinin ang katawan ni Astrid, wala silang magandang intensyon dito kundi ang pag samantalahan ito. Hindi naman ako papayag sa gusto nilang mangyare. Dahil buong buhay ko ay inalay ko na kay Astrid, maprotektahan lang ito at maging masaya.
Narinig ko ang mahinang pag hilik nito kaya naman binuhat ko na ito at hinatid sa kwarto nya. Inayos kong mabuti ang pag lagay ng kumot sa katawan nito.
"Goodnight Miss Astrid." Saad ko kasunod ang pag halik sa noo nito.
Pinatay ko na ang ilaw sa kwarto nito bago lumabas. Pag balik ko sa kwarto ko ay naabutan kong nag ri-ring ang phone ko. Napakunot ang noo ko ng makita kung sino yung tumatawag, si Janna na classmate ko nung college.
Si Janna ang naging f*ck buddy ko noong college ako, bilang lalaki ay may pangangailangan din ako kaya naman sa tuwing hindi ko mapigilan ang sarili ko kay Astrid ay si Janna ang nag aalis ng init ng katawan ko. Minsan na itong umamin sakin na gusto nya ako, pero naging tapat ako dito dahil may iba ng nag mamay-ari ng puso ko. Nilinaw ko din naman sa kanya na pwede na naming itigil ang namamagitan saming dalawa ngunit pumayag pa din ito kahit na alam nyang s*x lang ang habol ko sa kanya. Kaya naman nung grumaduate na kami sa college ay tuluyan ng naputol ang connection namin sa isat-isa. Until sinama ako ni Master Jacinto sa isang club, hindi ko akalain na muli kaming mag kikita ni Janna. Sya ang nag mamay-ari ng club na yun at talagang malaki na ang pinag bago nito. Muling may nangyari saming dalawa, at sinabi ko sa sarili ko na yun na ang magiging huli. Dahil pakiramdam ko ay pinag tataksilan ko si Astrid na totoong minamahal ko.