Chapter 8

1599 Words
Astrid's Pov Nakakapanibago dahil wala si Kervin sa tabi ko, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa silya nya. Napabuntong hininga nalang ako at minabuting makinig nalang sa lecture. Nang mag tanghalian na ay sabay kaming tumungo nila Lyzel sa canteen. Habang kumakain kami ng lunch ay napansin ko sa di kalayuan si Maxi, may mga kausap itong schoolmates ko. Mukang kilalang kilala nya ang mga ito, ilang sandali pa ay napatingin ang mga ito sa pwesto namin. Ang ilan sa kanila ay namumukuan ko, sigurado akong member din sila ng Elite Gang. Hindi ko akalain na may mga nag aaral pa sa mga member ni Lolo. Tiyak kong pinapabantayan ako ni Maxi sa mga ito. "Okey ka lang ba Astrid?" Pag aalalang tanong ni Ailyn sakin. Napansin kasi nito ang pag buntong hininga ko. "Oo naman." Nakangiting sagot ko dito. "Namimiss lang siguro nyan si Kervin." Pa birong saad ni Lyzel. "Bakit nga ba absent si Kervin?" Dagdag na tanong ni Ailyn. "May inasikaso lang daw kaya dalawang araw itong mawawala." Nakangiting sagot ko dito. "Ganun ba, kaya pala parang ang lungkot lungkot mo dyan. Hayaan mo at kami na muna ang bahala sayo ni Lyzel habang wala si Kervin." Nakangiting saad nito kaya nginitian ko nalang din ito. Habang nasa kalagitnaan kami ng aming tanghalian ay may lumapit sa table namin. Sabay sabay kaming napatingin dito, medyo nagulat ako ng makilala kung sino ito. "Pwede ba kaming maki join?" Nakangiting tanong ni Yuan. May kasama itong dalawang lalaki at sabay pa itong kumaway at ngumiti samin. Agad ko namang napansin si Maxi na papalapit sa table namin kasama ang mga kausap nya kaya naman agad akong sumenyas dito na huwag ng lumapit at ayos lang ako. Ayukong makaagaw kami ng atensyon dahil tiyak kong pag uusapan lang ito ng mga schoolmates namin. Tumango nalang ako bilang pag sang-ayon. Bumalik na kami sa aming kinakain ng muling mag salita si Yuan. "By the way Astrid, about last night, alam kong nabigla ka sa sinabi ng Lolo Jacinto mo. Maging ako rin ay nagulat sa sinabi nya." Saad nito kaya natigilan ako sa pag kain. Maging si Lyzel at Ailyn ay napatingin sakin na tila nag tataka kung anong meron samin ni Yuan. "May tamang lugar para pag usapan natin ang tungkol dyan." Sagot ko dito. Naalala ko yung sinabi ni Kervin sakin, dapat ko bang iwasan si Yuan? Pero kung sya ang ang magiging tinik sa relasyon namin ay dapat ko nga lang itong iwasan. Mas mabuti pa siguro na tuldukan ko na agad ang kung anong meron samin kahit wala naman talaga. "Sorry Astrid, natutuwa lang talaga ako sa narinig ko mula sa Lolo mo. Ang totoo kasi nyan ay gusto din kita." Nakangiting saad nito. Nasamid naman si Lyzel kaya naman agad itong inabutan ng tubig ni Ailyn. Nang maging okey na ito ay hinarap ko na si Yuan at tiningnan ng seryoso sa kanyang mga mata. "Sorry din Yuan pero may nagugustuhan na ako. Medyo hindi lang kami nag kaunawaan ni Lolo dahil hindi ko agad nasabi sa kanya ang tungkol dito. Kaya kung anoman yung mga napag usapan natin kahapon ay isa walang bahala mo nalang yun. Dahil ang totoo nyan ay ayaw kong maikasal sa kahit na kanino bukod sa lalaking minamahal ko." Saad ko dito kaya naman napayuko ito. Nasaktan ko ba sya dahil sa mga salitang binitawan ko? Hindi ko naman intensyon na ipahiya sa mga kasama nya. Ayuko lang kasi na paasahin sya kaya mas mabuti ng agapan na agad ito. "Ganun ba, buong akala ko pa naman ay mataas ang tyansa ko sayo, nag kamali pala ako." Nakangiting sagot nito. Sa mga mata nito ay hindi ko sya makitaan ng pag suko or pag atras. Sana namna ay malinaw na sa kanya yung sinabi ko kanina, na kahit na anong pag pupumilit nya ay wala na syang aasahan sakin. "Pasensya kana talaga Yuan." Saad ko dito at ngumiti ito ng malapad sakin. "Ayos lang Astrid, nauunawaan ko." Saad nito at iniligpit na nito ang kanyang pinag kainan. "Sorry ulit Yuan." Nahihiyang saad ko dito. "Okey lang, mag hihintay nalang ako kapag handa kana." Saad nito at tumayo na sa kanyang silya. Maging ang dalawang kasama nito ay nag ligpit na din ng kanilang pinag kainan. Hindi pa naman talaga sila tapos kumain, siguro ay hindi na kaya ni Yuan na mag stay pa sa table namin dahil sa mga sinabi ko sa kanya. "Dito na muna kami, see you around." Nakangiting paalam nito sakin. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makalayo na ito. Ilang sandali pa ay agad na lumapit si Maxi sa table namin. "Miss Astrid, ayos lang po ba kayo?" Pag aalalang tanong ni Maxi sakin. Gulat na gulat naman si Lyzel at Ailyn ng makita ito. Maya maya pa ay lumapit na din sa table namin yung ibang kasamahan nito. "Ayos lang po ba kayo Miss Astrid?" Sabay-sabay na tanong nila kaya naman napayuko nalang ako dahil sa inasta ng mga ito. "Umalis na muna kayo, ako ng bahala sa kanya." Saad ni Maxi kaya naman nag si alisan na ang mga ito. "Ano yun?" Pag tatakang tanong ni Lyzel. "Ah eh ano, mga nag tatrabaho ang mga yun sa Lolo ko kaya kilala nila ako." Sagot ko dito at naniwala naman ito. Totoo naman na nag wowork ang mga yun kay Lolo, pero bilang mga gangster. "Ayos lang ako Maxi, si Yuan lang naman yun." Saad ko dito dahil bakas pa din ang pag aalala nito sakin. "Nangako ako kay Second Master na poprotektahan kita lalo na sa Yuan na yun." Mahinang saad nito sakin. Napangiti naman ako, dahil kahit wala si Kervin ay talagang sinisigurado nya ang kaligtasan ko. "Huwag kang mashadong mag alala dahil hindi na ako bata, kaya ko ng protektahan ang sarili ko." Nakangiting sagot ko dito. "Anong pinag uusapan nyong dalawa?" Tanong ni Lyzel na nakatingin pala samin ni Maxi. "Wala yun, tinatanong ko lang kung kumain na sya." Pag dadahilan ko dito. "Ganun ba, by the way, bakit nandito ka pa?" Tanong ni Ailyn dito. "May nakalimutan lang syang ibigay sakin, diba Maxi?" Saad ko kay Maxi at pasimply ko itong nilakihan ng mata. "Oo, nakalimutan ko yung pinapabigay ng Lolo nya na allowance." Saad nito at may kinuhang pera sa bulsa nya. "Ganun ba, akala ko tuloy ay nandito ka para bantayan si Astrid." Saad ni Ailyn at muli itong ngumiti ng malapad. "Alam mo Ailyn mga anak lang ng prisidente ang mga binabantayan, minsan OA ka din mag isip eh." Saad ni Lyzel habang nakangiting nakatingin kay Maxi. Ang bruha nag papa cute dito, mukang napansin naman ito ni Maxi kaya agad itong umiwas ng tingin. "Sabagay, ordinary student lang din naman itong si Astrid tulad natin." Nakangiting saad ni Ailyn at muli nitong pinag patuloy ang kanyang kinakain. Nag paalam naman na si Maxi na aalis na kaya habol tingin naman si Lyzel hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin nya. "Grabe, ang lakas talaga ng dating ni Maxi sakin. Bagay naman kami diba?" Saad nito kaya natigilan si Ailyn sa pag subo ng pag kain nya. "Girl, parang Kuya mo na yun. Isa pa ibang level na ang trip nun sa isang relasyon." Saad ni Ailyn kaya naman mas lalong napangiti si Lyzel. Totoo naman ang sinasabi nito, dahil base on my experience iba na talaga ang pangapangailangan ng isang lalaki sa ganung edad. Hindi na yun katulad sa ibang mga teen ager na pakikipag date, usap, at medyo lambingan ay ayos na. Sa ganyang edad kasi ay talagang iba na ang hinahanap ng katawan nila. "Bigla tuloy akong na excite sa sinabi mo, kung anong trip man yun ay handa akong ibigay yun sa kanya, ahehehhehe." Malanding sagot nito kaya napailing nalang ako habang nakangiti. Talagang malakas ang tama nito sa utak. Medyo nauunawaan ko naman sya dahil maging ako ay gustong gusto din ang mga nangyayare samin ngayon ni Kervin. "Ikaw ba Astrid, anong mga tipo mo sa lalaki, yung mas older sayo, ka edad mo or yung mas bata sayo?" Tanong ni Ailyn kaya napatingin ako dito. "Y-yung mas matanda sakin." Nahihiya ko pang sagot dito. "Tulad ni Kervin?" Sabay na tanong nung dalawa. Ngumiti nalang ako ng malapad dahil kahit hindi ko naman sabihin ay alam na alam na nila ang isasagot ko. "Okey din naman yung mas matanda satin, mas marami na silang experience kaya naman kayang kaya na nilang i-handle ang isang relasyon." Saad ni Ailyn. "True, lalo na pag dating sa bed scene, harder baby!" Saad ni Lyzel kaya naman agad na tinakpan ni Ailyn ang bibig nito. Tawang tawa naman ako sa sinabi nito, may pag kabaliw talaga itong si Lyzel. "Talagang gustong gusto mo ng mabutas nuh!" Inis na sagot ni Ailyn dito. "Hindi naman sa gusto, pero kung mga katulad lang din ni Maxi, ready na ang bataan. Sabihin nya lang kung kelan at kung saan at pupunta ako, hahahha." Tawang tawa na saad nito kaya napailing nalang si Ailyn. "Tigilan mo na ang pag papantasya kay Maxi, hindi ikaw ang mga tipo nito." Sagot ni Ailyn kaya tiningnan sya ng masama ni Lyzel. "Astrid, ikaw lang ang tanging pag-asa ko. Kaya please lang, ilakad mo na ako kay Maxi." Pag mamakaawang saad nito sakin. "Hayaan mo at tatanungin ko ito kung single pa sya." Nakangiting sagot ko dito. "Wahhh, thank you Astrid, buti ka pa at sinusuportahan ako, hindi katulad nung isa dyan." Saad nito sabay irap kay Ailyn. Pailing iling nalang ako habang tinitingnan yung dalawa, ganito pala yung pakiramdam kapag may kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD