Madi’s pov KINAKABAHAN si Madi habang nakatitig kay Mari. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nito kapag nalaman nitong ikakasal na siya. Gusto niya sanang masaksihan nito ang mahalagang araw ng kanyang buhay pero hindi pa pwede. Hindi pa alam ni Dominic na buhay ang kanyang kapatid. May nililihim pa rin siya rito. Sa tingin niya kasi ay hindi pa iyon ang takdang panahon para sabihin niya kay Dominic ang lahat. “May sasabihin ka?” tanong sa kanya ni Mari. Abala ito sa pagkain ng orange na dala niya. “Ha?” sagot niya. “Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka sumasagot,” wika sa kanya ni Mari. Magaling na ang kanyang kapatid. Madalas ay nakakausap niya ito ng matino. Hindi na rin ito nagwawala simula nang itakas niya ito sa mental ospital kaya naman masayang-masaya na ang ka

